Wednesday, July 18, 2018

ANO NGA BA ANG PERSONAL LOAN AT PAANO ITO MAKAKATULONG SA ATIN?


ANO NGA BA ANG PERSONAL LOAN AT PAANO ITO MAKAKATULONG SA ATIN?

      Kagaya ng ibang mga loan, may kani kaniyang silang pinag uukulan ang car loan, ang home loan, ang education loan at iba pa, kabilang dito ang Personal loan.   Anu nga ba ang Personal loan? Ang personal loan ay isang unsecured loan ito ay hindi nangangailangan ng collateral upang ikaw ay makapagloan, maaari kang mag apply sa kahit saang financial institutions na nagbibigay ng ganitong klase ng loan karaniwan ng mga banko ang nagbibigay ng ganitong uri ng loan.

        Ang loan na ito ay simple at direktang sasagot sa iyong pangangailangan, kapag ang inyong personal loan ay naaprubahan agad agad mo itong makukuha ng buo, na may inilaang maikling termino ng pagbabayad na  6 na buwan pataas .

       Bago ang lahat kailangan mo munang matiyak na ang iyong kukuning personal loan sa isang financial institutions ay nakapako sa iisang antas ng interes hanggang sa matapos ang iyong pagbabayad, kailangang detalyado at malinaw mo itng naiintindihan bago mo ito pirmahan, upang hindi ka magsisi sa huli.

    Kung may mga katanungan patungkol sa iyong loan na inaapply wag mahihiyang magtanong makakatulong ito ng malaki upang lalo mong maintindihan ang responsibilidad na iyong papasukin.

Mga bagay na dapat ikonsidera sa pag aapply ng Personal loan
1. Magkano ang maaring hiramin?
2. Magkno ang interes rate na kanilang ibinibigay sa mga manghihiram?
3. Ilang buwan ang itinakdang panahon ng pagbabayad sa perang nahiram?
4. Anu ano ang mga kailangang dokumento upang makapag apply ng personal loan?
5. Anu ano ang mga nakapaloob na sinisingil na bayarin sa Personal loan?
    

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.