Monday, July 09, 2018

CASHWAGON -NAPAKA BILIS TUMAWAG

Wala lang akong magawa kaya naisipan kung mag-apply sa Cashwagon. I am aiming na pumasa pero gusto ko lang subukan gaano ba talaga kabilis ang proseso nila. Marami kasi akong nababasa na mabagal daw ang proseso nila at yong iba inabot pa ng isang linggo bago natawagan. Actually, sinubukan ko ng mag-apply dati sa mobile app nila pero hindi ko tinuloy dahil mas mahirap sa app compared sa laptop.

Kaya binuksan ko yong website nila at nag-apply. Biruin mo wala pang dalawang minuto natapos ko na. Pinili ko yong P7,000 na loan at nilagay ko rin yong hinihingi nila sa kanang bahagi ang buong pangalan ko mobile number tapos pinindot ko yong GET CASH TODAY. Pagka pindot ko, hiningi nila ang personal details ko tulad ng Date of Birth, Gender, Marital Status, Email at ID ko. Pagkatapos noon, kinuha din nila ang Address details ko, kasunod ang employment details kung nagta-trabaho ka or business details kung nagni-negosyo ka. Sa section na iyon, hinihingi nila ang Purpose ng iyong LOAN: Business, Personal, Education, Medical and Others, at sa hulihan Relative Details or Spouse Relatives. Panghuli, yong bank details kung saan e disburse yong loan mo sakaling pumasa ka. Kapag kompleto na lahat, CLICK SUBMIT.

Wala pang 5 minutes, may tumawag na agad sa akin. Ang mobile number ay 0998-594-4209. Nagpakilala ang agent, she's from Cashwagon. Hinanap ako at syempre dahil ako ang nakakasagot, I answered her "SPEAKING". Natawa ako dahil approved daw yong P7,000 loan application ko pero kailangan nila ng dalawang character references ko. Dahil may nakalagay na isa yong brother in law, may hiningi kasi doon sa application ko under  SPOUSE RELATIVES sa may employment details. Bukod sa kanya humingi pa siya ng isa pa, posible isa sa tauhan ko daw sa aking shop dahil tinanong din nya ako kung employed ako or may business. Binigay ko ang name at contact number sa isa tauhan ko.

Sa panghuli, kinuha nya ang bank name at account number ko para sa disbursement ng aking loan na P7,000. Inulit din nya na ang babayaran ko pagdating ng 30 days, meaning sa due date ko ang P7,000 ay magiging P9,800 kasama na ang interest at ang due date ko ay sa August 08, 2018. Wala daw silang processing fees kaya buo ang makukuha ko sa P7,000. Sakaling wala silang nakitang problema sa name ko with other lending companies na isa ako sa mga hindi nagbabayad ng loan, bukas daw ipapasok na nila ang pera sa bank account ko. Iwasan lang daw ma delayed sa pagbabayad dahil meron itong kaukulang penalty.

Bakit ang daming reklamo na hindi natawagan at ang iba matagal natawagan. bakit ako tinawagan agad nila eh Monday pa naman ngayon. Malamang madaming client sila dahil first day of work at yong mga nag-apply nong weekend maaaring ngayong araw lang nila natawagan. Sana pumasa ako para ma prove ko na mabilis talaga ang services nila. Pero kung hindi, no worries dahil hindi ko naman aim na pumasa. 

Meron daw akong text at email sakaling ipinasok na nila sa bank account ko ang pera na inutang ko sa kanila. Bukas ko pa malalaman kong approved or disapproved. Sa akin lang, isa itong open eye sa mga gustong umutang o mag LOAN sa cashwagon. Para sa aking madali lang magloan sa kanila. Hindi na ako nag-upload ng documents. Tanging ID number lang ang hinihingi nila at tumawag na agad sila. Sa mga hindi pa nakakasubok sa Cashwagon, subukan nyo malay natin nasa kanila ang perang inaasahang makakatulong sa inyo.


1 comment:

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.