Sunday, July 15, 2018

Cashwagon -Paano Magbayad ng Loan?

Maraming pwedeng puntahan na bayad centers para mabayaran nyo ang inyong Cashwagon loans. Napansin ng karamihan na hindi naka detalye sa email at sa SMS na pinadala paghulog nila sa loan, kung paano bayaran ang loan nyo sa Cashwagon, kaya ginawa namin itong guide nato para hindi na kayo mahihirapan. Actually, nakalagay naman ito sa website nila kaso lang karamihan hindi na nila binasa kung ano pa ang ibang information na nakalagay doon pagkatapos nilang ma-approved sa loan.

Karamihan sa mga lending companies, gumagamit ng DragonPay para sa loan disbursement. Ang DragonPay ang magpapasok ng pera sa banks, padala centers at iba pang method of disbursement. Kaya sa pagbabayad, sa kanila pa rin dadaan para ma clear yong account mo. Ito ang mga listahan ng mga bayad centers na pwede nyong puntahan para magbayad.

You can settle the loan in any branches of the following DragonPay Payment Partners:
1) Bayad Center

2) SM Department Store and Supermarket, SM Payment Counters and Savemore

3) Robinsons Department Store and Supermarket

4) Cebuana Lhuillier

5) LBC

6) 7-Eleven (Dragonloans)

Use the LOAN AGREEMENT NUMBER na pinadala ng Cashwagon sa iyong registered email address and SMS to your registered mobile number.

Use DragonPay as merchant (or Dragonloans for 7-Eleven)

Loan Agreement or Contract Number: CW123456

Amount to pay:PhP14,000.00

Settle your Account on or before 7pm of your DUE DATE

Kung malapit lang kayo sa 7-Eleven, mas maganda doon kayo magbabayad. Sa kanilang CLIQQ machine, piliin nyo ang Dragon Loans, ilagay ang mga impormasyon na hinihingi, doon sa portion na ilalagay ang REFERENCE NUMBER, ang ilagay nyo ay ang LOAN AGREEMENT or CONTRACT NUMBER. Kapag kompleto na ang mga detalye, pindutin ang SEND or SUBMIT para lumabas ang transaction slip na may BAR CODE at dalhin mo sa CASHIER para bayaran. Kunin ng cashier ang bayad mo kapag successfully done ang payment mo. Mga ilang minuto, magpapadala ng SMS at email ang Cashwagon to confirmed you payment made to them.

Note: Siguraduhing mabayaran ang inyong loan bago mag 7pm sa araw ng inyong due date para hindi kayo makakabayad ng penalty. 

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.