Friday, July 20, 2018

Home Credit Nanghaharas ng Client

Help naman po. paano po ba magfile ng complaint dyan sa home credit? ang tagal-tagal ko na pong nagbayad sakanila which is 6months lang naman yung contract ng kinuha ko sa kanilang phone. tapos walang ano-ano may pinababayaran na naman sila sa akin na penalty daw. tapos lahat ng mga taong never ko naman nilagay sa reference ko tinatawagan nila. sobrang nanghharass na sila. mga bastos pa! gusto ko na talaga magfile na formal complaint against home credit. kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimula. thanks po sa papansin.

Isa ito sa mga mensahe na aming natanggap na humingi ng tulong para mahinto na ang panghaharas ng Home Credit sa kanya. Sabi ng complainant, bayad na yong utang nya sa kanila pero until now pilit pa rin itong naniningil sa kanya dahil daw meron pa itong naiiwan na mga penalties. Wala kaming access sa account nya kung bakit nagkaganyan ang Home Credit. 

Malaking company ang Home Credit at hindi sila tulad noong mga bago lang sa industriya. Bukod pa doon, marami ng bansa ang napasukan ng Home Credit kaya hindi natin masasabi na kasalanan ng Home Credit ang reklamo ng isang anonymous na nakasulat sa itaas. Sadyang naming tinago ang pangalan para pangalagaan ang dignidad din ng compalinant. 

Karapatan ng complainant na magreklamo pero dapat muna nyang nilinaw kung saan galing ang mga naiwang halaga na hindi pa nya nabayaran. Hindi rin kasi binanggit ang buong detalye. Para hindi maging one-sided tayo, karapatdapat na kausapin ng complainant ang Home Credit kung bakit nga may naiwan eh sa kanyan kaalaman bayad na sya sa kanyang utang dahil ito'y 6 months contract. Wala namang bagay na hindi na reresolba kapag ito'y dinadaan sa magandang pakiusap. 

Ang NAKAKASAMA lang kasi sa Home Credit, tinatawagan ang lahat ng contacts ng kanyang cellphone. Marahil ito'y nangyari doon sa pag download nyan ng app kung saan humingi ng permiso ang Home Credit to access her CONTACTS or PHONEBOOK. Dahil pumayag naman ito at in-allow, nakuha nila ang lahat ng contacts sa kanyang cellphone. Ito ang dapat iisipin ng mga gustong mag-apply ng loan na dapat talaga, e clear muna ang mga lending balances para hindi magka problema sa bandang huli.


Ito na kasi ngayon ang ginagamit na system ng mga lending companies para makasiguro na hindi sila tatakbuhan ng mga nangungutang dahil dumadami na rin ang mga manloloko at nagbabayad lamang ito sa umpisa pero kinalaunan hindi mo na mahagilap kahit saang sulok ng social media dahil pati ang lending ay BLOCKED na rin nila. Kaya dapat mag-ingat ang bawat isa para sa kapakanan ng lahat.


May kanya-kanyang opinion din ang mga netizen based doon sa mga comments na natanggap nong nag post ng kanyang hinaing ukol sa panghaharas kuno ng mga taga Home Credit. Kung kayo ang tatanungin ano ang opinion ukol sa sitwasyong ito.

13 comments:

  1. Pag kakaalam ko tatawag syo ang home credit pag may problima kc ako kumoha din ako ng cp loan pero wla nmn naging problima sa akin nanalo panga ako sa rafle nila at may cash loan pa ako nag offer sila sa akin

    ReplyDelete
  2. Grabeh mang harrass ang field officer ng hc..Ang bastos pa. Naninigaw at nammahiya sila kung maningil..Ang pangalan po ng field officer na tinutukoy ko ay JERRY DELA CRUZ LAZARO..

    ReplyDelete
  3. Grabeh mang harrass ang field officer ng hc..Ang bastos pa. Naninigaw at nammahiya sila kung maningil..Ang pangalan po ng field officer na tinutukoy ko ay JERRY DELA CRUZ LAZARO..

    ReplyDelete
  4. ako rin Bayad nako Jan pati penalty ko mabayaran kona sa naningil pinapirma lang ako at hindi binigyan ng resibo hindi naraw ako pupuntahan at hindi na mag fafile ng case sakin kse binayaran kona after ng ilang bwan May nag memesage saakin na Home Credit may utang ako Shuhada 1year nako sa Saudi 1month palang ako nakabayad nako Ano ba naman yan Sana maalis na yang home credit

    ReplyDelete
  5. Sa akin naman po is ung atty dw isasampal dw sa akin ung contract nirekord ko nga usapan kc ngpapatulong ako ung.mahuhulugan ko ng d ako nahihirapan kc nga ngkaproblema kaya d nakabayad ilang months

    ReplyDelete
  6. pareho po tayo anu kaya pwedeng gawin... paliitin sana nila yung monthly payment natin..

    ReplyDelete
  7. Ano po mangyayari pag d na nakakabayad sa hc? Ilan buwan na ko di nakakabayad dahil wala ako trabaho. Nananakot cla sa txt. At napunta pa sa bahay.

    ReplyDelete
  8. Ano po mangyayari kung di na nakakapagbayad sa hc? Di ka tlga ba titigilan? Nawalan ako ng work kc. At nananakot cla sa txt. Nakipag coordinate ako tungkol sa kalagayan ko ngaun na kailangan ko pa rin magsettle ano ipapambayad ko kung wala ako trabaho. Sa tutuusin nga sobra sobra na bayad ko. Halos interest na lng binabayaran ko. Nag cash loan ako sknla. Ang laki ng tubo nila..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naterminate ba account mo sa kanila after 90 days na Hindi ka nakahulog?ano ginawa nila nung pinuntahan ka sa bahay mo?

      Delete
    2. Ganun din ko. Bayad na ung principal amount ko. Tubo nlng pero tinatakot nila alo

      Delete
  9. Ako po bibgyan dw po ng demand letter po nwalan po ako ng work nananakot cla pg ndi ko dw nbyaran ndi dw ako mtatanggap s work

    ReplyDelete
  10. Ako po bibgyan dw po ng demand letter po nwalan po ako ng work nananakot cla pg ndi ko dw nbyaran ndi dw ako mtatanggap s work

    ReplyDelete
  11. pare pareho lang po tayo,mali ko lang pinatulan ko yung ilang beses ako kinukulit para manghiram ng pera, kaya ayun napautang ako at nag advanc kagad ako ng 3 months. nilagay ko sa money investment yung nahiram ko, the rest pinamabayad ko ng mga kautangan ko. for 11 months nakakatanggap ako sa investment ng almost 6k a month yun ang ang pinambabayad ko sa hc.
    hanggang nagkaron ng problema at nawala yung investment. binayaran ko pa rin hc up 17month,nawalan ako work kaya hindi na rin ako nakakabayad sa hc mag 4 months na.

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.