HUWAG MALIITIN ANG PAGBABASA

Share:
Dati nong hindi pa uso ang gadget at social media, halos lahat ng free time ko ay nilalaan ko sa pagbabasa. Simula nong ako'y bata, mahilig na talaga akong magbasa. Sa madaling salita, wide reader ako sabi nila. Marami akong natutunan sa aking pagbabasa na nagagamit ko rin hanggang ngayon. Hindi agad mawawala ang natutunan mo sa pagbabasa.

Pero simula nong nauso ang gadget at social media, halos kalahati ng oras ko sa pagbabasa dati ay nasasayang sa social media. Ano ba ang meron sa social media? Siguro kung bigyan natin ng rating from 1-10 para sa akin nasa 4 lang ang mga bagay na nakikita ko ang makakatulong sa akin. Ano ba ang karamihan mong mapansin sa newsfeed nyo sa social media? Di ba yong mga bagong post ng inyong friendslist na karamihan mga hugot ng buhay? Minsan kahit hindi mo sila closed, nagiging affected ka rin sa mga nararamdaman nila. Bukod doon ang mga mga pictures na pino-post ng inyong mga kaibigan sa socila media. ANG SAYA-SAYA NILA sa mga larawan. Talaga bang totoo ang ang nakikita nyo sa mga mukha nila? Oo, siguro sa iba totoo, pero karamihan FAKE. 

Alam mo ba kung bakit nasabi ko yon? Karamihan, pinapamper lang nila ang sarili nila kahit sa maikling panahon para mawala ang stress at mga  problema sa buhay. Sigurado tayo, pagkatapos noon babalik na naman dati. Sa palagay nyo nakakatulong ba sa inyo kung lahat nalang ng oras mo ay subaybayan ang mga kaibigan mo at mga ginagawa nila? Marami kasi ngayon, ginawang diary ang kanilang facebook profile. Sa bawat problema, hindi social attention ang kailangan kundi solution. Hanapin ang tamang solution na hindi kailangan ibabablita pa sa iba.

Ang oras natin sana para pagbabasa at paghahanap ng pera para sa pamilya ay nauubos dahil sa social media. Kung napansin nyo, ano ba ang maitutulong sa inyo sa pagiging followers ng mga post ng kaibigan nyo at sa mga friends nila? Kung sakaling meron mang maitutulong siguro akong maliit lang. Dapat gamitin natin ang ating panahon sa makabuluhang bagay. Hindi sa panood ng mga funny videos na inuubos ang inyong oras at pera para lang maging masaya tayo sa iilang oras. 

Kung pinagtutuonan natin ng pansin at binigyan natin ng mahabang oras ang mga bagay na nakakatulong ng kunti lang sa pamumuhay natin, paano na yong mga bagay na talagang nakakatulong sa atin ng malaki? Isa sa makabuluhang bagay na ALAM naming makakatulong sa lahat ay ang PAGBABASA. Lagi naming inaanyayahan ang lahat na basahin ang aming blog upang kayo'y matutulongan para magkapera. Hindi sa lahat na panahon, palagi tayong may pera kaya alam namin na minsan kailangan nyo or natin ang mga lending company para makahiram tayo at matulongan ang ating pamilya.

Sana hindi nyo isipin na ang pagbabasa sa aming blog ay hindi kayo nagsasayang ng oras para lang ito'y mababasa. Maaaring sa ngayon hindi pa kayo uutang pero sa oras na kailangan nyo ng umutang, atleast may alam na kayo kung paano ito gagawin. Karamihan sa mga bumagsak sa loan application ay mga taong walang alam at hindi handa ang sarili para mangutang lalo na sa online. Kung nahihirapan tayong mangutang sa kamag-anak at kapitbahay, mas lalong mahirap mag-apply online. Pero dahil kailangan natin, minsan na stretch natin ang ating sarili para lang magawa ang mga bagay na imposible. Kaya sa pangungutang online, kailangan mong maghanda sa sarili. para magawa ito, kailangan may idea na kayo kung paano ito gagawin. HINDI NA KAILANGAN ANG ADVANCE KAYONG MAG-ISIP. Hindi yon oobra sa mga online lending. KAYA PAYO NAMIN SA INYO, HUWAG MAGSAWANG BASAHIN ANG "USAPANG PERA AT IBA PA!".

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.