Thursday, July 19, 2018

MAG-INGAT SA PAG ALLOW TO ACCESS YOUR CONTACTS

Babala po para sa lahat na umutang at gusto pang umutang sa Pondo Peso, nakakarating sa amin ang mga reklamo tungkol sa mga ALERT na natatanggap nila sa kanila email address na ini-link sa kanilang Pondo Peso account. Sabi sa mga nagpi-PM sa amin na ang karamihan sa kanila ay na alarma dahil maraming beses na gustong papasokin ang kanilang email. 

Sa mga nagre-reklamo sa amin, halos silang lahat ay magkakatugma na meron taga CDO na gustong e-access and kanilang email at mas lalo silang naa-alarma dahil kasunod noon ay galing naman sa Vietnam. Nagsimula daw ito nong mag apply sila ng loan sa Pondo Peso. Kaya pinag-iingat namin ang lahat na huwag ibigay ang PRIMARY EMAIL nyo kung saan nandon ang mga importanteng impormasyon ng inyong mga bank account at iba pang sensitibong mga personal details. Gumamit kayo ng email na walang mga sensitive info na pwede nila magagamit sakaling magka-abirya ang inyong ugnayan lalo na kung loan ang pinag-uusapan.

Binanggit na namin ito sa nakaraang post namin na dapat mag-ingat dahil medyo kaduda-duda ang proseso ng Pondo Peso sa pag grant ng loan approval nila. Marami ang approved sa kanila pero kahit pasado hindi pa rin sila excepted sa mga ganong alarma.  Nakakagulat hindi lang isa o dalawa ang nagrereklamo. Halos araw-araw meron akong natatanggap ng mensahe sa aking messenger at iyon ang madalas sinasabi kapag Pondo Peso ang pag-uusapahan.

Bukod sa illegal na pag-access ng inyong email, kasama din sa kanilang inire-reklamo ang pagtawag ng Pondo Peso sa mga taong nakalagay sa kanilang CONTACTS or PHONEBOOK. Nangyari kasi ito during sa application process. Isa sa mga hinihingi ni Pondo Peso ay ang authorization nyo to ALLOW them na e-access ang inyong CONTACTS or PHONEBOOK. Syempre dahil sa matinding pangangailangan, hindi na natin iniisip kung ano ang pwedeng maidudulot nito sa atin pagkatapos nating makuha ang pera na hiniram natin sa kanila.

PAYO NAMIN SA LAHAT, huwag kayong pumayad na e access ang inyong CONTACTS kung ayaw nyong mapahiya sa mga kamag-anak at kaibigan nyo. Kasi kapag, ina-ALLOW nyo ang access, tatawagan talaga nila ang mga contacts mo. Kung ayaw nyong ma estorbo ang mga kaibigan nyo at kakilala nyo, huwag na kayong umutang sa Pondo Peso. Pero kung kaya nyo naman ang ganung estelo ng credit investigation, walang problema. 

So far naman, wala pa pong balita na hinaharas pero baka sa susunod meron na lalo na yong hindi nagbabayad. Kung sakaling may utang na kayo sa kanila, huwag nyo naman takbuhan para hindi madadamay ang mga kaibigan nyo at hindi rin kayo mapahiya. Dahil sa maliit na halaga, masisira ang reputation nyo sa mga kaibigan nyo at pati sa mga lending companies. MAG-INGAT LAGI SA MGA TRANSACTION NA GINAGAWA NATIN ONLINE.

3 comments:

  1. air pabo kyng hindi ako makabayd sa pondo lending kagihiya ko namn naka salalay pano po gaein ko para di na sila maka kontak sa mga kibigannko

    ReplyDelete
  2. air pabo kyng hindi ako makabayd sa pondo lending kagihiya ko namn naka salalay pano po gaein ko para di na sila maka kontak sa mga kibigannko

    ReplyDelete
  3. Paano b matatanggal ung contacts list q sknila

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.