Tuesday, July 17, 2018

Mga Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa mga Investment

Marami tayong nadidinig na mga nakakabahalang balita galing man ito sa ating mga kaibigan, radyo at telebisyon tungkol sa mga taong nabiktima ng panggagantso ng tinatawag na Ponzi Schemes. Ang mga scammers sa ngayon ay gumagamit ng mga pamamaraan upang maakit ang kanilang mapipiling bibiktimahin, at ang internet ang kanilang mabisang paraan upang maakit ang ilan.  Kaya naman binibigyan tayo ideya kung paano makakaiwas at makasiguro na ang ating papasukang investment ay lihitimo at hindi scam.

Bago natin ito talakayin anu ng aba ang Ponzi Scheme?

Ang Ponzi Scheme ay isang uri ng panloloko upang ang iyong perang inipon ay kanilang makuha ng ganong kadali, paano ito nangyayari? Hihikayatin ka nila na mag invest at pangangakuan ng malaking kita sa loob lamang ng maikling panahon. Para ito ay matupad at mahikayat ang iba padadamahin ka muna  nila sa unang ratsada ng iyong investment ikaw na unang nag invest ay pakikitain nila, upang mas lalo kang mahikayat ng mas malaking kita. May mga inooffer sila na kapag ikaw ay nagrecruit ng panibagong mamumuhunan ito ay may karagdagang kita para sayo, kapag ang investments at ang pagrerecruit ay natigil na, dito na nagkakaraon ng epekto sa buong kumpanya. At ang pinakahuling tao na nag invest dito ang pinakawawa dahil sa ang buong perang kaniyang ipinuhunan ay di na niya mababawi pa.


Narito ang ilang tips kung paano protektahan ang sarili sa Ponzi Scheme.

1. Hindi rehistrado sa Sec ang kumpanyang pagpapasukan mo g investment.  
Para makapagpatakbo ng isang negosyo kailangang ito ay nakarehistro sa ating gobyerno, kung ito ay single proprietorship ito ay dapat na nakarehistro sa DTI ( Department of Trade and industry) at Securities and Exchange (SEC )para nama sa mga partnerships at corporations. Hindi rin ibig sabihin na ito na kapag nakarehistro na ang isang kumpanya ay maaari na silang magpautang, magbenta at maghikayat ng mga investors para sa isang investment. 

Ayon sa Securities Regulation Code, Ang  Securities ay hindi dapat ipagbili o ibenta man,o ito ay ipamahagi ng walang pahayag at pag apruba ng komisyon. Bago ang nasabing pagbebenta, lahat ng impormasyon mapa-dokumento man ito o anumang sangkap ang kinakailanngan upang ang inyong kumpanya ay mga lihito sa komisyon.

Para makasigurado na ang kumpanyang inyong pagpapasukan ng puhunan ay lihitimo maari kayong makipag ugnayan sa SEC sa pamamagitan ng kanilang opisyal na website, maging ito  man ay sa kanilang main office o sa satellite offices, o maari din silang tawagan sa kanilang hotline.

2. Walang maipakitang opisyal na dokumento.

Pagdating sa usaping pera, kinakailangan ng mga dokumento upang patunayan ang kanilang pagiging lihitimo, kung ang isang kumpanya ay nasa pagbebenta ng mga produkto, kinakailangan na may mga opisyal na resibo sila ng BIR. Kung sila naman ay nasa pag iinvest ng stocks kinakailangan din na mayroon silang certificate of shares o share of ownership. Kung wala maipakitang ganitong uri ng dokumento. Ito na ang pagkakataon para humanap ka ng ibang mapaglalagyan ng iyong perang puhunan.


3. Sa facebook mo lang sila makikita.

 Ang isang malaking kaduda duda ay tanging sa social media mol ang makikita ang lahat ng kanilang information, Ang isang lihitimong kumpanya ay may opisyal na website o dili naman kaya ay nasa yellow page ang pangalan ng kanilang kumpanya na kung saan andon ang kanilang address at numero na maari mong kontakin, kagaya ng mga opisyal na dokumento, Ang opisyal na resibo o katibayan ng deposito ay hindi pinapatunayan sa pamamagitan ng private message o inpormal na pakikipag ugnayan. 

Kung may mapansin ka na ganitonf uri ng imppormasyon, wag isugal ang perang pinaghirapan, tandaan mahalaga ang bawat sentimong ginugulan ng lakas at panahon maliit man ito o malaki.


4. Ang pagbabayad ay sa iisang tao nakapangalan imbes na sa pangalan ng kumpanya.

Siguruhing na ang perang iyong ilalabas bilang puhunan ay sa isang kumpanya nakapangalan kesa sa isang indibidwal, Isa ito sa mabisang paraan para malaman kung lihitimo ba ang kumpanyang inyong pinasukan ay sa pamamagitan ng pagtsek ng inyong deposito. Ang isang lihitimong kumpanya sa kumpanya nakapangalan ang lahat ng transaksyon hindi sa iisang indibidwal lamang. Kung ang isang ahente ay magpumilit na kuhanin ang iyong pera na walang ibinibigay na resibo opisyal, o kahit na anong dokumento na nagpapatunay na ikaw ay naglabas ng perang puhunan, malaki ang tsansya na sa ibang bulsa ito mapunta. Kagaya din ito ng pagdeposito ng pera sa isang indibidwal kaysa sa nakapangalan sa kumpanya.

5. Pagbibigay ng garantiya ng mataas na kita sa maikling panahon lamang.

Ito ang ginagamit ng Ponzi Scheme ginagarantiyahan nila ang isang investor na malaking kita sa loob  lang ng maikling panahon, at dahil sa ganitong Sistema marami ang naaakit dito, kung ganito ang inyong papasukang kumpanya pag isipang mabuti at tyak na scam ang iyong papasukan, dahil walang kahit na anung negosyo na kikita na malaki sa loob lamang ng ilang buwan.

6. Ang isang operator o ahente ay pilitin kang bumili o mag invest agad ng hindi pinag iisipan dahil sa baka daw mawala ang opotunidad na ikaw ay kumita ng malaki.

Kung ikaw ay pinipilit ng isang ahente o operator na mag invest agad agad ng hindi pinag iisipan o hindi naiintindihan ng buo ang kanilang rules and regulation, Ang potensyal na ikaw ay maloko ay malaki at ang panganib na pagkawala ng perang iyong ipupuhunan ay mataas, lalo na at bago ka palang sa ganitong uri ng negosyo.

      Para sa mga palatandaan ng Ponzi Scheme basahin ang pinakabagong advisory ng SEC sa mga hindi rehistradong entidad na nangangalap ng mga investments sa online. Ang coins.ph ay hindi kaanib o pinapayagan sa kahit na anumang investment na kumpanya. Hinihikayat namin ang lahat na maging mapagmatyag bago sumuong sa anumang investment.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.