Para makaiwas sa mga manloloko at scammer na naglipana ngayon sa ating paligid dapat maging mapagmatyag ang lahat at laging gagamitin ang utak at wag ang puso. Karamihan sa mga scammer kukunin muna ang loob nyo bago nila sasabihin ang kanilang pakay kung bakit nila kayo nilapitan. Naging uso ngayon at mas madaling maloko ang mga tao sa social media kapag ang topic ay about utang.
Kadalasan sa mga post sa mga LOAN or PAUTANG group kung mapapansin natin puro pagmamakaawa at ramdam natin ang kanilang matinding pangangailangan. Hindi nyo ba alam na kapag nagpost kayo ng pagmamakaawa, magiging #1 target kayo sa mga nagpapanggap na nagpapa-utang kuno?
Alamin ang common style ng mga scammer kung paano nila kayo makukuha sa kanilang mga bitag.
1. MAG PM SAYO
Mayrong mag message sayo sa messenger or magtxt sa iyong cellphone kung nilagay mo ay iyong number sa iyong post. Kung iisipin nating mabuti, mayron bang magpapautang sa mga taong hindi nila kilala at nakita lang sa facebook? Kung ilagay mo sa iyong sarili, magpapautang kaba sa mga taong hindi mo kilala? Siguradong ang sagot mo ay malaking HINDI. Lalo na ngayon, karamihan sa mga nangungutang online, makakausap mo lang sila kapag nangungutang palang pero kapag malapit na ang bayaran, puro seen mode nalang sila sa mga pangungumusta mo.
Sana naman matauhan kayo bago paman kayo magiging biktima sa mga manloloko. Huwag kayong maniwala sa mga matatamis na pangako ng mga nagtsa-chat sayo. Sila ang mga taong nagtatago sa isang account na hindi sa kanila ang pangalan at pati ang larawan. Malayo sa katutuhanan ang nakikita mo sa kanilang profile, walang manloloko na gumagamit ng totoong identity nila. Madali lang e grab ang mga larawan sa social media at madali lang gumawa ng account gamit ang mga sikat at inosenteng pangalan na makikita sa internet kaya kapag humingi ng pera para ipapadala ang inutang nyo, ito'y isang malaking kalokohan at kasinungalingan.
2. PROCESSING FEES
Karamihan sa mga legit lending companies, mayron talaga silang processing fees. Ang kaibahan naman sa legit lending ang kanilang processing fees ay ibabawas sa approved loan mo. Halimbawa 10% ang PF ng company -kung ang approved loan mo ay P3,000 ang matatanggap mo nalang ay P2,700. Babawasan nila ito ng P300 para sa processing fees nila.
Samantalang sa mga manloloko o scammer, ang estelo nila naman magpapadala daw kayo ng PROCESSING FEES or ADVANCE INTEREST bago nila ipapadala sayo ang loan mo. Meron pang iba insurance daw o pang open ng bank account para doon iapapsok ang loan mo. Kung anu-ano nalang sinasabi nila para lang makuha nila kayo. Napakalaking kalukuhan ang pinaggagawa nila at marami pa ring nagiging biktima lalo na yong mga tamad mag research at magbasa kung ano ang mga kalukuhan ngayon sa internet. Malaking tulong ang pagbabasa sa mga group at huwag basta-basta magbigay ng pera sa mga hindi mo kilala.
3. FOREIGN LOAN
Huwag maniwala sa mga naglipanang mga taga ibang bansa na kunwari nag-o-offer ng loan sa mga Filipino. Dollar pa ang iaalok nila na halaga tapos pababayarin kayo ng insurance fees at bank fees. Huwag kayong maniwala dahil hindi po ito totoo at pawang panloloko lamang ito.
REMINDER: INGAT SA PAGSALI NG MGA GROUPS NA NAGPAPAUTANG DAW SA ATING MGA PINOY BAKA MAUWI SA LUHA AT PAGSISISI.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.