MOOLA 10th LOAN PUMASOK NA

Share:
Naka-sampung loan na pala ako kay Moola Lending. Parang bago lang kami nagkakilala ni Moola Lending pero napakalaking tulong nito sa akin at pati sa negosyo ko. Kung balikan natin ang unang loan ko kay Moola Lending noong September 22, 2017. P4,000 ang unang approved loan ko. Ang pangalawang loan ko ay P6,000. Binayaran ko yon tapos I expected na sa pangatlong reloan ko ay P8,000 lang ang ibibigay nila sa akin pero laking gulat ko na ang binigay nilang pre-approved link sa kanilang SMS, nong ma pindot ko ito tumambad sa akin na qualified ako to avail up to P20,000. Dahil Pinoy ako kaya sinunggaban ko agad. Pambihirang opportunity yon, kunti lang nabibigyan ng ganung pagkakataon.

Ibig sabihin naka walong reloan na ako na P20,000 ang approved loan ko. Sa walong reloan, umaabot na sa P48,000 ang interest na naibigay ko sa Moola Lending. Kung idagdag natin ang dalawang reloan, yong una P840 at sa pangalawa naman ay P1,800. Kung kunin natin ang total interest na maibigay ko kay Moola pagkatapos kung bayaran itong pang sampung reloan ko ay P50,640. WOW! Napakalaking halaga na pala kung tutuusin pwede na sana yong interest na binigay ko sa kanila hindi na ako mag reloan pa pero nagreloan pa rin ako kasi ginawa kung puhunan sa loading business ko ang pera galing loan ko kay Moola Lending.


Hindi pa kasama doon ang processing fee na maibigay ko bukod sa interest. Sa walong reloan, bawat loan ay P2,000 ang PF so nakalikum si Moola Lending ng P16,000 at idagdag pa natin ang unang loan na P400 at pangalawa P600. Ang total processing fee na makukuha sa akin ni Moola Lending ay P17,000. Sa tingin nyo kung magkatulad pa tayo ng isip siguro hindi nyo na binayaran dahil malaki na ang kinita ni Moola Lending sa akin. Tama ba ako?

Ang total na nakukuha ni Moola Lending sa akin PF at interest at P66,640. Sure akong magugulat kayo pero hindi ko tinabla si Moola Lending. Babayaran ko pa rin ang pang sampung loan ko pero sa palagay ko kaya ko nang punan ang halaga na ginagamit ko galing kay Moola Lending. Ang point ko dito, kung ano ang inutang mo, cash man o kahit ano, responsibilidad nating babayaran yan na walang reklamo.

Bakit nong umutang tayo hindi tayo nagreklamo kahit alam natin na malaki talaga ang interest. Lagi nating tandaan, huwag tayo umutang kung hindi natin alam kung saan kukunin ang pambayad natin. Doon kasi kadalasan nagka problema ang karamihan, umutang na hindi muna iniisip kung paano ito babayaran. DAPAT ADVANCE TAYONG MAG-ISIP para hindi tayo magiging scammer sa huli.

Para sa akin, Moola Lending pa rin ang maganda utangan kahit malaki ang interest nila. Mabilis silang mag-approved at mabilis din silang mag disbursed. Valid ID lang at payslip pwede kanang umutang sa kanila. Kung kayo'y regular borrowers na kay Moola Lending, alagaan mo ang iyong reputation sa kanila. Sakaling kailangan mo ng pera at wala kanang malalapitan, nandyan sila na handang tumulong sayo. 

Pero kung mahilig kang tumatakbo ng utang, siguradong hindi ka talaga nila patatahimikin. Hanggang hindi kana mapalagay dahil maraming tumatawag sayo para lang maniningil. Hindi lang ito tungkol sa Moola Lending, ito'y tungkol sa lahat na lending na inutang nyo. Huwag kayong tumakbo ng utang. Sakaling nagka problema, makiusap ng maayos at humanap ng paraan para makabayad hindi solusyon ang welga. DAPAT MARUNONG TAYONG TUMANAW NG UTANG NA LOOB.

BY THE WAY, ang 10th reloan ko ay pumapasok sa BDO account ko kaninang 4PM. Walang email hanggang ngayon. Hindi ko alam baka may problema ang system nila. Tulad din sa repayment ko kagabi walang SMS pero merong email. Kahit ano paman problema ng system nila, hindi nawawala ang tiwala ko sa kanila dahil sa bilis ng preseso sa aking 10th reloan. NO CALLS for interview, automatic pumasok agad sa account ko ang pera. Salamat sa tiwala MOOLA LENDING.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.