Wednesday, July 04, 2018

MOOLA 9th LOAN BAYAD NA

Six days ago, tumawag ang agent ng Moola Lending para i-remind ako na July 4 ang aking due date sa 9th reloan ko noong June 3, 2018. Once sinagot mo ang tawag nila, hindi na yan mangungulit sayo.

 Dati nong pang 5th reloan ko pa kahit hapon na sa araw ng due date mo tatawag pa rin yan sila kapag wala pa silang nakitang payment mo. Dahil pang sampu ko na medyo may katagalan na rin ang samahan namin ni Moola Lending.


Kaninang umaga, nakakatanggap ako ng isang SMS galing sa kanila reminding me na due date ko sa kanila today. Nasa isip ko na kanina na gabi na ako pupunta ng 7-Eleven para bayaran ang aking loan.



Tapos namin maghaponan, niyaya ko ang aking kapatid para samahan ako sa kabilang bayan upang tumungo sa 7-Eleven at magbayad.



Dumaan muna kami ng bangko para makapag withdraw dahil kulang ang perang dala ko. Marami din kasing binabayaran sa araw na ito.

Malaking bagay ang pagkakaroon ko ng CLIQQ App dahil nakakatulong ito kapag halimbawa sira ang CLIQQ machine sa 7-Eleven. Buti nalang ADVANCE AKONG MAG-ISIP. Bago kami umalis ng bahay, binuksan ko muna ang CLIQQ app ko at nag-initiate ako ng bar code sa REFERENCE NUMBER na bigay ni Moola Lending kasi hindi pwedeng deretso mong babayaran sa 7-Eleven ang Reference Number dahil bar coding na sila hindi tulad sa LBC pwede yong reference number ibigay.


Sakto nga, pagkadating namin sa 7-Eleven, sira ang machine at mag-isang linggo na daw sabi nong cashier. Buti nalang naisipan kung kumuha muna ng bar code sa CLIQQ App bago tumungo sa branch nila. Kaya tinanong ko kung pwede yon, sabi nila pwede daw dahil yon naman ang purpose ng CLIQQ App, sakaling magka abirya ang machine. Agad kung binayaran ang aking loan na P26,000.

Kadalasan, after 10-20 minutes may matatanggap na agad akong SMS nagpapasalamat sa bayad ko pero dumating na kami sa bahay wala pa rin akong text na natanggap. Kaya binuksan ko ang aking account sa internet at nakita ko na posted na yong payment ko at ready na uli ako para mag reloan. Mukhang may problema na naman ang Moola Lending sa SMS features nila.

Tapos kong ma pindut ang mgha kailangang pindutin dahil pre-approved yon automatic pindut nalang wala ng kailangan pang e fill up. Nakalagay pagkatapos na tatawagan ako 1-2 days pero alam kung default lang yong notice na yon para sa mga new applicant o yong mga hindi pa maganda ang kanilang credit score kay Moola Lending.


After 30 minutes, wala pa ring SMS na kadalasan meron na akong natanggap para ipaalam na approved na yong reloan ko at deposited na sa bank account ko. Although, alam ko naman na kinabukasan pa papasok yon mga bandang 4pm tulad sa mga nagdaang reloan ko. Since naging P20,000 ang reloan ko, wala ng tumatawag sa akin para ulitin ang mga terms and condition ni Moola Lending. Alam naman nila na aware na ako at talagang nagbabayad ako.

Abangan nyo bukas ang follow up post ko kung anong oras pumasok ang pera sa aking BDO account. Salamat Moola Lending sa patuloy nating pagsasama. Naisipan kung hanggang ngayon lang sana maghiwalay na tayo pero hindi ko pa kaya. Tyagain nalang muna kita dahil iniwanan ko na si Pagasa Lending at Micromoney. Wala ng pagasa na magkabalikan pa kami sa dalawang iyon dahil ako na din ang nakikipaghiwalay sa kanila.

1 comment:

  1. Pls send the details to my email.I am interested to apply loan.

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.