Tuesday, July 17, 2018

Paano Aabot sa Limang Milyon ang Pera Mo?

Ang kumita ng 5 milyon sa loob  ng 10 taon ay hindi madali, pero ito ay posibleng mangyari, hindi lang sa pag-iipon ito pwedeng magawa, maraming mga pamamaraan upang ito ay iyong makamit, maaari mo itong ipasok sa isang investment.

Kelan dapat mag invest? Nakapag invest ka na ba sa merkado o sa isang bond fund o kaya naman ay sa isang equity?  Ayon kay Ms. Christmas Sevilla , pangulo ng clients segment dibisyon ng BPI asset Management and Trust Corporation na inisponsoran ng Entrepreneur Philippines and The Proscenium noong hunyo 27 araw ng miyerkules sa taong kasalukuyan.

Ang ideya ng pag iinvest ng inyong pera ay may tatlong kadahilanan, ito ay nangangahulugan ng mataas na panganib na maari mong kaharapin sa pag iinvest ng inyong perang inipon, kailangan mo itong paghati hatiin sa ibat ibang investment  na maari mong pagpasukan, ika nga “wag mong ilagay ang itlog sa iisang lalagyan”. 

Tinalakay din ni Ms. Sevilla ang iba’t ibang uri ng mamumuhunan, ayon sa antas ng bawat isa. Una, konserbatibong mamumuhunan; ikalawa, bahagyang konserbatibo;  ikatlo, bahagyang aggresibo; at panghuli, ay ang aggresibo.

Bakit kinakailangang alamin kung saan mo iinvest ang iyong perang ipon, dahil sa tinatawag na panganib at gantimpala. Ayon kay Ms.Sevilla ang mga konserbatibong mamumuhunan ay nasisiyahan na lamang sa  pag-iinvest sa mababang halaga pero sigurado na maibabalik sa kanila ang puhunang kanilang naiinvest sa mababa ding interes. Kabaligtaran naman ito ng mga aggresibong mamumuhunan, itinataya nila ang kanilang buong naipon na alam nila ang panganib na maari itong malugi pero itinataya nila ito sa pag asa makakakuha sila ng mas malaking kita dito.

  Ang bawat mamumuhunan ay may kani kaniyang estratehiya kung paano nila paghahati hatiin ang  kanilang perang inipon.  Ang konserbatibo ay pinipili na mag invest sa isang fixed income securities at money market funds, samantalang ang mga aggresibong mamumuhunan ay mas pinipili ang equities at fixed income securities.


 Masusumpungan sa tatlong level ng pamumuhunan ang ibat ibang antas ng kita ng inyong perang puhunan. Pang karaniwan na sa mga money market instrument gaya ng mga banko ay nagbibigay ng malalaki ngunit short term securities lang, at ang panganib at pag aalala mo sa perang inipon mo na malugi ay mababa lamang.

Kumpara sa mga equities at shares of stock sa mga rehistradong kumpanya na nagbibigay ng mataas ng kita ngunit mas mataas ang probabilidad na ito ay may pagkalugi.
Sa pagkakataon ito gumawa ng isang paglalarawan si Ms. Sevilla ukol dito, at ang naging resulta ng pag aaral na ito na ang palaguin ang investment ng isang mamumuhunan ng 5 milyon sa loob ng 10 taon, at mas nag iimpok sila sa banko na may mas mababang kita , kesa sa mga aggresibong investor. (makikita sa infographic.)

At dahil dito nagpapasalamat ang marami sa epekto ng tambalang paglago, lahat ng napag aralan dito ay nakatulong sa kanila ng malaki upang maabot nila ang target na kitang 5 milyon sa loob ng 10 taon. 

At dahil na rin sa pangyayaring ito tinatawagan ni Ms. Sevilla ang maraming mamumuhunan na. “ngayon na ang pinakamagandang pagkakataon para mag invest ang isang kagaya nating mamumuhunan.”


No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.