Sunday, July 15, 2018

PAG-IBIG AND SSS Salary Loan: Ano ang Kaibahan?

Kailangan ng agarang cash? Sa dahilang may mga hindi inaasahang gastusin. Kung  ikaw ay miyembro ng PAG IBIG FUND at SSS gamitin ang prebilihiyong ito para makapag apply ng salary loan.

Ano ang salary loan?
 Ang salary loan ay katumbas ng maliit na halaga ng salapi o pera o katumbas ng iyong kasalukuyang sahod, ito ay maaari mong mahiram at gamitin sa pagsasaayos ng iyong bahay, pagpapagawa ng iyong sasakyan, sa atensyong medikal, sa edukasyon, at sa kahit na anumang iyong pagkakagastusan.

Ang salary loan ay nasa klasipikasyon ng Personal loan , ito ay nagbibigay ng mababang interes at sa mas magaan na termino ng pagbabayad.
Kailan ka dapat na mag apply ng salary loan? Tingnan ang pagkakaiba ng PAG IBIG FUND at SSS salary loan pagdating sa aspeto ng pagpapautang , sa puntong ito saka ka magdesisyon kung ano ang mas akma sa pangangailangan mo.

PAG IBIG FUND MULTIPURPOSE at SSS SALARY LOAN

Mga kailangan at dapat sa pagloloan
1. 24 na buwan, 36 na buwan o 72 na buwang aktibong naghuhulog ng kontribusyon.

2. Ang iyong maaring mahiram o mautang ay katumbas ng 60 hanggang 80 porsyento ng kabuuang naipong halaga ng iyong kontribusyon. Na may interes na 10 hanggang 10.75 porsyento sa loob ng isang taon.

3. 1porsyento ang ipapataw para sa huli o delay na pagbabayad, .5 porsyento ang ipapataw na multa para sa hindi pagbabayad ng buwanang obligasyon at 1 porsyento para sa kabuuang serbisyo.

Ang pagproseso ng inyong loan ay tumatagal ng 1hanggang 2 linggo o higit pa ito ay base na din sa pagpapasa ng inyong mga kinakailangang dokumento, na may termino ng 24 na buwang pagbabayad.

Ang kwalipikasyon upang makahiram sa PAG IBIG FUND, kailangang ay aktibong miyembro ng PAGIBIG FUND, na may kontribusyon na umaabot ng 24 na buwang kontribusyon, kung ang miyembro ay sampung taon ng naghuhulog ng kanyang kontribusyon maaari siyang makahiram ng 80 porsyento ng kabuuang halaga na kanyang naihulog. Kung hindi naman maaari makahiram ang miyembro ng 60 porsyento ng kabuuang halaga ng kanyang kontribusyon. Ang PAG IBIG FUND ay hindi nagpapabayad o naniningil ng pagproseso ng kahit na anong loan, tanging mga delay sa pagbabayad lamang ang kanilang sinisingil, Sa kabilang banda ang PAG IBIG FUND MULTIPURPOSE SALARY LOAN ay nagbibigay o nag aalok din ng housing para sa kanilang aktibong miyembro.


SSS SALARY LOAN

  Kumapara sa PAG IBIG  FUND LOAN ang SSS salary loan ay pinapayagan lamang ang kanilang miyembro na makapagloan ng 1 hanggang 2 buwang ng kanilang kabuuang sahod o may katumbas na 15,000.00 hanggang 30,000.00 pesos. Na ito ay kanilang pinapatawan ng interes na 10 porsyento sa loob ng isang taon, at 1 porsyento para sa delay na pagbabayad at may serbisyong bayad na 1 porsyento para dito. Ang pagproseso ng inyong loan sa SSS ay umaabot ng 2 hanggang 3 linggo,  kung ang inyong iaapply ay dalawang buwang salary loan, kailangang may 72 na buwang naihulog na kontribusyon ang isang miyembro. 

Para sa pagbabayad ng loan sa SSS at PAG INIG FUND salary loan maari itong ibawas sa inyong buwanang sahod o kaya naman ay magbayad sa kahit saang sangay ng SSS at PAG IBIG FUND, o dili naman kaya ay sa mga banko at payment centers na may pahintulot ng SSS at PAG IBIG FUND , o kaya naman ay sa coins.ph para sa mas konbinyente ninyong pagbabayad, para magawa ito piliin ang Pay bills sa inyong coins.ph wallet at hanapin ang PAG IBIG at SSS, pindutin ang payment, presto tapos na ang inyong pagbabayad sa mas magaan n paraan.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.