Monday, July 30, 2018

Radiowealth Finance Company First Payment

Thirty days ago, nakuha ko ang aking second time loan sa Radiowealth Finance Company o most commonly know RFC. Kung nasundan nyo ang aking Journey sa kanila, sinubukan ko lang na mag-apply sa kanilang website: http://rfc.com.ph/ Pinaalam nila sa akin through email na natanggap nila ang application ko. Pero hindi nila ito ma process dahil malayo ako sa main office nila sa Manila. Ang ginawa nila, pinasa nila ako sa kanilang pinakamalapit na branch.

Agad nila akong pinapapunta sa branch nila at pina filled-up ng forms para sa CI or credit investigation. Di rin nagtagal at pinuntahan nila agad ang bahay at yong shop ko dahil business loan ang inaaplayan ko sa kanila. Tapos nilang makuha ang  mga sagot sa mga simpleng tanong tungkol sa akin at sa negosyo ko, umuwi ang kanila agent at sinabi na kinabukasan, he will inform me kung pre-qualified ako.

Masaya ako kinabukasan dahil nagtxt sila sa akin at sinabing pre-qualified na ako at kailangan kong dalhin ang mga requirements. Agad ko itong hinatid sa tanggapan nila dahil naka-ready na ito bago paman ako nagtungo sa unang pagkakataon para mag-apply. Ito ang mga requirements kong gusto nyo mag-apply sa RFC. Pwede nyo rin basahin ang aming previous post dito sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog: 

REQUIREMENTS:

EMPLOYED APPLICANTS 
Completed Application Form 
Two ID pictures (2×2) 
Two (2) full-month pay slips 
ITR/W2/W2316 
Any one (1) valid primary ID (SSS, GSIS, Postal ID, Company ID, Voter’s ID, Driver’s License) Cedula / Barangay Clearance 

SELF-EMPLOYED APPLICANTS 
Completed Application Form 
Two (2) ID pictures (1×1 or 2×2) Passbook (open for six months) 
ITR/W2/W2316  
Any one (1) valid primary ID (SSS, GSIS, Postal ID, Voter’s ID, Driver’s License) Or two (2) secondary IDs (Pag-ibig ID, PhilHealth)  
Latest utility bill (telephone, electricity, water, or cable) 

Ito naman ang hiningi nila sa akin na mga requirements para sa business loan ko. Kung stable na ang business nyo at legal itong nag operate, siguradong mabibigay nyo na ang mga basic requirements na kailangan nila tulad sa sumusunod.

1. Bank Statement (3months)
2. Supplier Receipt
3. 2 valid ID
4. 1 valid ID of the spouse
5. 1 picture each ID of spouse 
6. Marriage Contract (photocopy)
7. Utility Bill (Electricity/Water)
8. Brgy Clearance
9. Business Permit

Sa aking 2nd loan humingi uli sila ng bagong copy ng business permit dahil another year na, so ibig sabihin may bagong business permit na binigay ang munisipyo sa amin. Nag conduct din sila uli sa akin ng CI dahil lumipat ako ng bagong tirahan. Pero siguro wala pang 5 minutes umalis na agad. Kumuha lang sila ng picture for documentation nila. Natapos ko agad ang rapplication para sa second loan.

Pagkatapos ng isang linggo, nagtxt sila sa akin na pwede ko ng kunin ang aking tseke dahil na release na ito sa kanila opisina. Pinaliwanag sa akin ng manager habang inihanda ang mga permahan ko para sa release at sinabi na ang aking due date ay every 29th of the month. Normally, 9 months ang contract na binibigay nila sa kanilang mga client pero nakiusap ako na gawin itong 6 months para liliit ang interest na babayaran ko. Saka ko nalalaman na pumayag sila sa pakiusap ko nong ire-released na nila ang tseke ko.

After 30 days bumalik ako sa tanggapan nila noong July 29 para magbayad pero hindi cash ang ginamit ko kundi PDC (Post Dated Checks) tulad nong first loan ko. Nag-issue ako ng anim na tseke worth P8,342 kada isa. Binigay ko sa cashier at binigyan nila ako ng katibayan na hawak nila yong anim na tseke pambayad sa loan ko within 6 months at matatapos ito sa December 19, 2018. Gaya ng dati, napakabait pa rin ng mga nasa opisina hindi gaya sa ibang branch nila na masungit daw sabi ng mga nakausap ko rin umutang sa kanila na followers din ng aking blog. KUDOS RFC Lupon branch.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.