Thursday, July 19, 2018

SSS OFW HOUSING LOAN -ALAMIN KUNG PAPAANO?

                Naglabas ang SSS ng programang housing loan para sa mga kababayan nating OFW, na may mababang interes at may mahabang termino ng pagbabayad, upang matulungan ang mga kababayan nating OFW na maisayos ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagsasaayos ng kanilang mga tahanan. Hanggang 2 milyon ang maaari mahiram ng isang Overseas Filipino Worker. Anu ano ang mga layunin ng isang OFW sa pagkuha ng housing loan. 

Una na ay may bahay na at isasaayos na lamang ito, ikalawa bibili ng lupa at patatayuan ng bahay, ikatlo ay pagbili ng lupa na may nkatayo ng bahay, o dili naman kaya ay condominium o townhouse, sa pamamagitan ng layuning ito magagabayan ka ng SSS sa iyong inaasam na loan.

       
          Para ikaw ay mapili at maaprubahan sa iyong housing loan application, kinakailangan ang mga sumusunod: 
      1. Isang sertipikadong ofw.
      2. Aktibong miyembro ng SSS.
      3. Na may kabuuang hulog na 36 na buwan at ang 24 na buwan dito  
          ay walang palyang hinuhulugan hanggang sa kasalukuyan.
      4. Hindi hihigit sa 60 taong gulang ang edad na maaring pag mag-
          apply ng Seguro, kung ang isang aplikanteng ofw ay 60 ang edad 
          ng siya ay mag-apply ng loan, bibigyan lamang siya ng 5 taong 
          termino ng pagbabayad.
      5. Ang isang ofw ay hindi pinapayagang mag-apply o kumuha ulit ng 
          loan kung ito binabayaran pang housing loan sa SSS.
      6. Hindi pa nabibigyan o napagkakalooban ng SSS ng pinal ng
          benepisyo.
       7.Ang isang ofw o ang kanyang asawa ay updated sa pagbabayad ng 
           Iba nilang bayarin sa SSS.


Ang asawa ng isang ofw ay kwalipikadong mag-apply ng housing kung ang isang ofw ay nakapagloan na bago ang kanilang kasal, at ang loan ng isang ofw ay hindi dilingkwente.

      Kung nagnanais kayong mag-apply ng housing maaari kayong pumunta sa pinakamalapit na ssangay ng SSS sa inyong kugar o kaya naman ay magsadya sa Main office ng SSS, o maaari rin ninyong tingnan sa kanilang opisyal na website ang dokumentong inyong kakailanganin sa pag-apply ng loan.

1 comment:

  1. Good day po.. inquire po Sana Kung paano mag avail ngaun po kc nasa abroad aqo? Thank you.

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.