Ang SSS ay naglabas ng espesyal na programa ukol sa housing loan ng mga ofw, tinatawag itong “ Direct Housing Loan Facility for OFW’s” malaki ang maitutulong nito sa isang ofw sapagkat binibigyan nila ang isang ofw na makapagloan na aabot sa halagang 2 milyong piso, ang kagandahan pa nito ay mababa ang interes na ibibigay sa kanila na may mahabang termino ng pagbabayad.
Mga kailangan sa aplikasyon.
1. Unang una na dito dapat isa kang OFW na kasalukuyang nakadeploy at may kontratang nakaproseso sa POEA, o dili naman kaya ay pinatutunayan ng embahada sa ibang bansa.
2. Na may kontrata sa trabaho na naghihintay ng pagrenew/pagdeploy, ganunpaman ang pagbibigay ng utang ay ibibigay o dapat gawin sa pagpirma ng panibagong kontrata.
3. Isang Filipino nasyonal ngunit ngayon ay isang ng mamamayan o migrante ng ibang bansa, ngunit interesado sa pagbili ng isang unit ng bahay para sa kaniyang pamilya na naninirahan dito sa Pilipinas.
4. Isang Filipino na mahabang panahon ng naninirahan sa ibang bansa na nagnanais na makakuha ng ganitong housing packages ng SSS , na magagamit nila sa kanilang pag uwi kung sila ay magreretiro na, o kaya naman ay magagamit ng kanilang ibang kamag anak na uuwi ng bansa.
Kung may iba pang katanungan maari lamang magsadya sa pinakamalapit na sangay ng SSS sa inyong lugar.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.