Inutusan ko ang mga tao ko sa aking shop na mag CASH IN sa coins wallet ko bandang hapon kahapon dahil may lakad kaming magpamilya sa oras na yon at babalik gabi na. Closed na ang Cebuana Lhuillier kung antayin pa na babalik kami.
OK na sana pag-uwi namin, ready na akong bayaran ang aking P6,000 loan kay Tala. Naghapunan muna kami saka ko na sana atupagin ang pagbabayad sa Tala through coins.
Katatapos lang namin kumin ng biglang mag blackout. Dahil nasanay na rin na mag blackout pero babalik naman after few minutes. Dumaan na ang isa at dalawang oras pero madalim pa rin. Dagdag pa ang malakas na ulan kaya mukhang malabo na talagang babalik ang koryente.
Dahil malapit na maghating gabi, worried na ako baka hindi pa darating ang koryente at lalagpas na ako sa 12midnight. Natakot ang magka penalty sakaling hindi ko nababayaran kagabi, kaya dali-dali akong nagload sa DATA para maka-access ako sa aking Tala apps at sa coins. GOSURF10 lang ang ni-load ko at agad kung nabuksan ang Tala at pinindot ang MAKE PAYMENT.
Agad kung binayara ang aking outstanding balance na P5,900 dahil nababasan na ito ng referral comission ko galing sa mga followers na aking blog na ginamit ang aking CODE sa pag-apply kay Tala at pumasa. Dahil coins ang gamit kaya seconds lang agad-agad posted ang payment ko sa kanilang apps. Dahil updated na, agad kung pinindot ang APPLY NOW para magreloan.
Sinagot ko ang tatlong survey question at goodnews naging qualified ako para P7,000 loan sa pang 11th loan ko sa kanila. Nakalimutan kung palitan ang aking Coins account ng cellphone number ko na nakaregister kay Tala, hindi kasi pwede magkaiba ang cell number sa Tala at coins kasi hindi papasok ang perang ni-loan mo. Dahil sa laptop lang pwede mapalitan ang coins account ng cell # kaya hinintay ko nalang na bumalik ang ilaw. Nakatulog nalang ako hindi pa rin bumalik ang ilaw.
8 o'clock kagabi nawala ang ilaw at kaninang 8 o'clock ng umaga lang bumalik. Agad kung kinuha ang aking cellphone at pinindut ko yong VIEW LOAN OFFER sa Tala apps para makuha ko na ang aking loan. Tatlong pindot lang successful na agad at pumasok ito sa aking coins wallet.
Maraming reklamo tungkol kay Tala na delayed na raw ito sa pag disbursed ng loan lately pero based sa experience ko kaninang umaga, same as usual pa rin. Mabilis pa rin ang disbursed kapag COINS ang way of disbursement mo. Sa mga hindi pa gumagamit ng coins, basahin nyo ang guide paano magkaroon ng coins account. Please read this link: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/10/ano-ang-coinsph.html
Sa mga gustong sumubok sa loan services ni Tala Philippines, kung gaano ito kabili ang simple na proseso, mabuting basahin nyo ang guide namin sa link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/10/tala-philippines-how-to-apply-loan.html
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.