Monday, July 16, 2018

Tips sa Pagbuo ng Emergency Fund


Ano ang Emergency Fund? 

Ang Emergency Fund ay isang pondo ng pera na nakalaan “lamang” para sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Ang ilang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod: 
-Biglaang pagkatanggal sa pinapasukang trabaho. 
-Biglaang pagkakasakit ng miyembro ng pamilya. 
-Biglaang pagkamatay ng mahal sa buhay. 
-Biglaang pagkasira ng mga ari-arian gaya ng bahay, kotse, etc. 

At kung anu-ano pang mga “Biglaan” sa buhay mo. Gaya nga ng mga halimbawa sa itaas, Ang Emergency Fund ay para sa mga “Biglaan”! Kaya kung ayaw mong mabigla pati ang bulsa mo, dapat mo itong paghandaan! :) Mas maiging paghandaan na NGAYON pa lang ang mga bagay na ito kaysa pagsisihan kung huli na ang lahat. 

Dahil may mga bagay talaga na hindi natin kayang hulaan kung ano ang pwedeng mangyari. Hindi natin masasabi kung hanggang kailan tayo mananatili sa kumpanyang pinagtatrabahuan. Hindi natin masasabi kung kailan magkakasakit ang miyembro ng ating pamilya. Hindi natin masasabi kung kailan masisira ang bubong ng bahay, ang kotse o ang iba pang mga ari-arian. 

Sa Investing, ipinapayo rin na maglaan ng Emergency Fund bago pumasok sa kahit anumang uri ng investments upang hindi natin magalaw ang ating pera na nakalaan para dito kung sakaling may mga “Biglaang” pangyayari na dumating sa buhay natin gaya nga ng mga nabanggit sa itaas. Magkano ang dapat ilaan para sa Emergency Fund? 

Ayon sa mga Financial Experts, maglaan ng katumbas ng tatlo hanggang anim na buwanang gastos para sa ating Emergency Fund. Halimbawa, kung ang iyong buwanang gastos ay 10,000 maglaan ng halagang 30,000 - 60,000 para sa iyong Emergency Fund. 

Kapag nabuo mo ito, hindi ka na mababahala sa mga biglaang pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahan. Kung mawalan ka man ng trabaho ngayon, may Emergency Fund kang madudukot para magamit mo sa iyong pag-aaplay ng bagong trabaho at kung may magkasakit sa isa sa miyembro ng iyong pamilya, hindi masisira ang budget mo dahil mayroong kang inilaan na pondo para sa mga ganitong senaryo. Paalala : Ang credit card ay hindi Emergency Fund! At ang “sale” sa mga mall o pagbili ng mga bagong gadget ay hindi maituturing na emergency. 

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.