BDO Kabayan Savings -Mga Dapat Iwasan

Share:
Ang BDO Kabayan Savings ay para sa mga Kababayan nating nagtatrabaho sa labas ng ating bansa o mga OFW. Maraming maidudulot na tulong ang savings account na ito para sa mga OFW. Bukod sa loans na pwede i-avail ng mga members ng Kabayan Savings,mas maganda din ito para sa account holders at ng mga beneficiaries dahil ito'y no maintaining balance. Ibig sabihin pwede mong ubusin ang laman na wala kang iisiping service charge pagdating ng month end.

Kapag ikaw ay account holder ng isang Kabayan Savings account, ang mga sumusunod ay dapat mong tandaan para hindi mababawasan ang account balance mo kung sakaling hindi mo ito magawa for a specific period of time. Laging tandaan na sa loob ng isang taon, at least napapasukan ito ng isang remittance transaction galing sa ibang bansa para ito'y manatiling bahagi pa rin sa Kabayan Savings account. Paano kung hindi napapasukan o nahuhulagan ng isang remittance mula sa ibang bansa?

Kapag more than 1 year na walang pumapasok na remittance from abroad ang Kabayan Savings na hawak ng isang individual, magiging regular savings na agad ito. Once naging regular savings na ito, mababawasan na ang iyong account balance kapag bumaba ito sa allowable maintaining balance. Magkano ba ang maintaining balance sa Regular Savings? P10,000 ang maintaining balance ng isang Regular savings. Kapag bumaba sa P10,000 ang laman ng inyong account balance, every month ay mababawasan ito ng P300 para sa service fee. Legal ito at allowed ng Bangko Sentral ng Pilipinas. In fact nakasulat din ito sa policy na binigay ng BDO sa bawat account holder sa unang pahina ng kanilang Passbook.

Paano maiiwasan na maging regular savings ang iyong Kabayan Savings? Dapat mong padalhan o papasukan ang account mo habang nasa ibang bansa kayo. Paano malalaman kung pumasok ang pinadala mong pera? Mas maganda na i-enroll ito ng ONLINE BANKING para ma access mo kahit nasa ibang bansa kayo. Yon ang ginagawa ko bago ako umalis ng bansa nong ako'y isang OFW pa na may hawak na Kabayan Savings.

Kung sakaling nasa Pilipinas kana, paano mo panatilihing maging Kabayan Saving ang account mo kahit wala kana sa ibang bansa, pwede pa rin itong mangyari. Ano ang dapat gawin? Humanap ka ng kamag-anak na pwede mong pakiusapan na maghulog ng any amount galing sa kanya para lang may makikita ang system ng BDO na pinasukan ng remittance ang account mo within 1 year. 

PARA SA KARAGDAGAN POLICY NG BANGKO, BASAHIN ANG NAKASULAT NG SA FIRST AND SECOND PAGE NG INYONG PASSBOOK PARA MAGABAYAN KAYO.

2 comments:

  1. Ask kulang po ofw po ako dto saudi nag pasend po ako ng pera sa amo ko dto s BDO 1000riyal first time ko po pero nagkamali po ako ng accnt.number card number po yung nabigay ko paano po yung pero name ko po.

    ReplyDelete
  2. Paano po kung Hindi nahulugan sa loob ng isang taon tapos the next year nahulugan ng kamag-anak na nasa abroad back to normal po ba siya?

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.