Ito'y taliwas doon sa unang post namin tungkol sa pananahimik ni Benju Fastlend sa kanila website at facebook fan page. Kahit wala silang update patuloy pa rin silang nagsiserbisyo sa mga piling companies na pumasa sa kanilang loan evaluation. Ibig sabihin, naka focus sila ngayon sa mga company employees hindi sa individual.
Mas lalo silang maingat at mapili sa mga pinahihiram nilang individual dahil sa mga nangyayari nong nakaraan na hanggang ngayon mayron pa ring unsettled balances at ang karamihan sa mga involved ay hindi na makontak. Nagkakamali sila sa pag-approved ng mga individual na medyo walang pakialam sa obligasyon at kung ano ang nararamdaman ng iba dahil sa pinaggagawa nila.
Open pa rin naman sila sa pag-accept ng loan application pero hindi na ito tulad nong dati na madali lang ma-approved. Kung balak nyong mag-apply bumisita lang kayo sa kanilang website at punan ang mga kinakailangang detalye para ma-evaluate ng kanilang mga loan specialist ang inyong application. Laging tandaan na mahigpit na sila ngayon kaya, expect na marami silang hinihinging requirements compared noon.
Para magabayan kayo, dito nyo gagawin ang loan application nyo sa kanilang official website, please click this link: http://bit.ly/2KQg7f8 Huwag kayong mag-apply sa kahit saang site na hindi recommended dito sa USAPANG PERA para hindi kayo magiging biktima ng mga manloloko. Marami ang nagkunwaring taga Benju Fastlend at ang masaklap, nanghihingi ng processing fee. Hindi nanghihingi ng fees ang Benju FastLend sa kanilang mga client.
Pagkatapos nyong ma-submit ang inyong loan application sa kanila website, pwede nyong i-follow up sa kanilang facebook account. Ito ang link ng kanilang facebook account: http://bit.ly/2KOtwUZ Lagi ding tandaan na sa account lang na ito sila pwedeng makaka-usap at wala ng ibang facebook page o facebook account. Kung nababasa na nila ang application nyo, sila mismo ang tatawag o magtxt para bigyan kayo ng update sa loan application nyo.
Mag-ingat lagi sa mga taong mapagsamantala. Nagnanakaw ng mga photos at ibang personal o company details para lang mapaniwala kayo na legit sila. Laging tandaan, kapag nanghihingi ng processing fees, advance fees, or insurance fees bago ma release ang loan nyo? Ito'y pawang mga gawain ng mga manloloko. Huwag kayong magpadala ng pera sa kanila. Kundi bigyan nyo sila ng FAKE reference para matauhan at huminto na sa mga kalukuhan.
Kung mayron kayong napansin na manloloko, pwede nyong isumbong sa amin through our official facebook group na PPOG or Pinoy Pautang Online Group. Gumamit kayo ng tunay nyong account para makakapasok kayo. Hindi kami tumatanggap ng mga dummy at bagong gawa na facebook account.
Upang magabayan kayo, pwede nyo ring basahin ang aming previous post kung paano gagawin ang loan application sa Benju FastLend. Ito ang link nag aming post: http://bit.ly/2JXtute
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.