Benju FastLend Update

Share:
Nanghihinayang ako sa sinapit ng Benju FastLend recently dahil bigla nalang silang nawala after July 16, 2018. Sa totoo lang we admire how they process the loan even ginagawa lang nila ito through facebook messenger dahil nong una hindi daw kinaya ng kanilang website na napag-alaman from a free host website. Natawa ako nong una dahil, paano nangyari yon ang isang lending company ay nagtitipid at umiwas ng gasto sa isang bagay na napaka-importante sa mga clients. Mapapansin mo sa website pa lang ay nababasa mo na hindi pa talaga sila stable.

Isa pang napansin ko, hindi talaga magtatagal ang ganung proseso nagagawin lamang sa facebook messenger. Dahil maraming mapagsamantala na gumagamit ng facebook messenger sa panloloko ng tao. Mabuti na yong mayrong website para maging assurancesa mga applicants na safe yong mga documents at personal details nila na sina-submit sa kanila through their website.

Walang pinagkaiba ang Benju FastLend sa mga private lenders sa facebook groups. Dahil unprofessional ang paraan nila sa paniningil. Napaka public talaga na i-mention mo yong tao sa group wall kung saan maraming followers or friendlist. Wala talagang lending company na gumagawa ng ganun except Benju FastLend. Nag-iisa sila sa pambihirang sistema na ganun nga ginawang uso sa mga private lenders. Para lang talaga silang private lenders.


I-mention nila yong taong may utang sa kanila pero pagkatapos na settle ang loan wala na din silang update sa wall to CLEAR the issue between them and the person involve. Napansin kung wala silang sinusunod na SOP incase ang isang client hindi nagbabayad. Para ordinary private lenders lang sila na kung saan-saan nagpa-pansin para makakuha ng attention sa social media.

Kung nong una hindi sila nakikipag-usap sa PPOG admin during sa mga loan issue bago mag-approved ng loan, nong marami ng sumablay sa kanila -doon pa sila nag-umpisang makipag-usap sa akin na sa aking palagay HULI na. Hindi pa handa si Benju FastLend para sa online processing system. Ginagawa nila sa kanilang operation ay halos lahat manual processing.

Nawala na sila sa ere after June 16, ang araw na nagpost sila ng kanilang last update. Maraming nagtatanong sa kanilang post pero ni isa walang reply. Yong facebook fan page nila ay unknown na rin. Hindi na ito ma-access ngayon sa internet. Buhay pa ang kanilang website pero mukhang wala ng gumagamit nito. Sa kanilang website ABOUT US ay mayrong fake discription na mababasa mong ganito 

"About us
QUEZON CITY, NCR, SECOND DISTRICT,NATIONAL CAPITAL REGION (NCR)
is a business name registered in this office pursuant to the provisions act 3883, as amended by 
Act 4147 and Republic Act No.863 and in compliance with the applicable rules and regulations 
prescribed by the Department of Trade and Industry.
This certificate issude to"

SA NGAYON WALA NG BALITA TUNGKOL SA KANILA. KUNG STILL OPERATED PA SILA MAAARING OFFLINE NA. MAAARI DIN BABALIK SILA PERO IBANG PANGALAN NA AT MALAMANG WITH COMPLETE SYSTEM NA. SO FAR AS OF THIS WRITING, WALA NA KAMING BALITA SA KANILA. DI NA RIN NAG REPLY NG PM SA KANILANG FB ACCOUNT. We will give new update tungkol sa kanila kung sakaling babalik pa sila sa online lending world.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.