Kilala nyo ba kung sino ang nagmamay-ari ng Cashalo? Kaya pala ang baba ng interest rate nila dahil isa itong Gokongwei groups of company. Marami ang nakakagusto na humiram sa Cashalo dahil napakababa na nga ng interest yong terms of repayment nila ay swak para sa masa.
Nangako ang Gokongwei group’s app-based ng isang pautang na may mababang interes.
Maynila- ang Gokongwei at ang Hongkong based Oriente ay bumuo ng isang financial institution at ito nga ay ang Cashalo na may initial investment na P10 bilyong piso, upang matugunan ang pangangailangang pinansyal ng ating mga kababayan at ito ay nagbibigay ng mababang interes na umaabot lamang sa 2.9% hanggang sa 5%, gamit lamang ang ating mga mobile phones, maaari ng mag-apply ayon kay Lance Gokongwei ang co-founder nito.
Ayon pa kay Gokongwei ang cashalo ay malaki ang potensyal na lumago sapagkat 40 milyong Pilipino ang walang kakayahan na makapag-access sa isang pormal na pag-utang.
The briefing on ANC’s market edge “ang aming layunin ay maputol na ang mga impormal lenders, at mabigyan ng agarang pampinansyal na solusyon ang mga mamamayan na nangangailangan nito.
Ayon naman kay Geoffrey Prentice ang co-founder at chief strategy officer ng oriente at siya ring co-founder ng skype
“ gaya ng ginawa ng skype sa linya ng ating komunikasyon, ganon din ang ating gagawin para sa pinansyal na tulong para sa mga taong nangangailangan nito.
Mababa ang interest at maganda ang terms of repayment, ang problema lang ay mahigpit sila pagdating sa approval kaya hindi rin lahat nakakahiram lalo na yong kapos sa requirements at sa personal data. Sana nga makakatulong sila sa nangangailangan at mabawasan ang mga impormal na mga lenders na abot hanggang leeg ang interest rate pero tinatangkilik pa rin ng mga Filipino dahil less hassle lalo na sa mga requirements at madali lang ang proseso.
Source quoted from ABS-CBN News
pano po ba mag file nang loan at ilang araw at ano porequirements nyo
ReplyDeleteMeron tayong post dito sa USAPANG PERA, kung paano gagawin ang pag-apply ng loan.
Delete