Cashwagon -Another 30 days Extended

Share:
Taliwas sa sinabi ko noong tumawag sa akin ang Cashwagon agent  kung kailan ko babayaran ang aking loan sa kanila ng buo. Sinabi ko na babayaran ko sa araw mismo ng aking due date. Pero bago natapos ang aming pag-uusap, nagpahabol ako ng tanong sa kanya. "Kung sakaling gusto kong i-extend ang aking loan for another 30 days, magkano ang aking babayaran?". Ang sagot nya sa akin, "babayaran ko lang ang interest na P2,800 sa loan ko sa kanila na P7,000". Kapag bayad na yong interest, automatic ma-extend ng another 30 days ang aking loan.

Instead na babayaran ko ng buo, sinubukan kong bayaran kagabi ang P2,800 na interest for another 30 days. Wala akong idea kung anong mangyayari pero pagkatapos kong bayaran kagabi, around 8pm sa 7-Eleven wala talaga akong natanggap na SMS galing sa cashwagon na natanggap na nila ang bayad ko sa 7-Eleven through Dragon Loans. Hinayaan ko nalang at hindi na hinintay dahil meron silang sinasabi sa kanilang website na dapat ang bayad ay ON or BEFORE 7pm. Malamang ang rason kung bakit nagbigay sila ng time ay upang ma-update nila agad ang payment. Beyond 7pm wala ng tao sa opisina nila, at siguradong wala ng mag asikaso sa payment ko.

Ngayong umaga lang mga bandang 9am, nakatanggap ako ng SMS galing mismo sa Cashwago at sinabi na natanggap na nila ang minimum payment ko at extended na ang loan ko for another 30 days. Ang binigay na bagong due date ay sa September 08, 2018. Natuwa ako dahil hindi ganito ang inaasahan ko, akala ko tatawag sila at papagalitan ako. Marami kasi ang nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa kanila with regards to loan extension.

Ngayon alam ko na bakit ang iba nahihirapan magbayad dahil sa laki ng tinubo sa interest at principal amount. Based doon sa mga nagrereklamo, hindi talag sila nagbayad ng interest pagkatapos ng due date kaya naging ganun nalang ang computation ng kanilang newest loan balance. 

Maganda ang Cashwagon dahil wala na silang prolongation fees. Halimbawa ang Moola Lending kahit magbayad ka ng interest, mayron ka pang babayaran na P700 para sa prolong or prolongation fees. Bukod sa mga nabanggit na, ang Cashwagon ay wala ding processing fees. Buong-buo mo makukuha ang halaga na inutang mo sa Cashwagon. Kaya APPROVED sa amin dito sa USAPANG PERA ang Cashwagon.

Sa mga hindi pa sumubok kay Cashwagon, we encourage everyone na subukan nyo ang loan service nila. Madali lang ma-approved at papasok agad ang pera mo sa bank account na binigay mo sa kanila. Para sa completong gabay paano magloan at kung ano ang mga requirements, please read this link: http://bit.ly/2LooS58

10 comments:

  1. i WAS ONE OF THOSE WHO INTENTIONALLY AVAILED/APPLIED THE LOAN. But after the completion of having filled up the questionnaire I was asked about bank account. When I gave all the details, I don't even receive any single centavo. A girl called me up about the matter. After few days of waiting for the proceeds/feedbacks, I called back the cellphone numbers that called me up however, nobody answered, just listen to my voice and eventually hanged the phone. I was dismayed and I even texted the phone number where I received a call from a girl that I never received any proceeds of a loan. Hence, nobody can collect anything from me since I don't receive anything.

    ReplyDelete
  2. re another 30days extension Tama bang ngbayad Na ng extension charge then my add-ons pa para sa principal amount?

    ReplyDelete
  3. Pwede bang bayaran kolng yung 400php para ma extend yung duedate ko?

    ReplyDelete
  4. Sir nag bayad po ako ng 400 for extension po pero ngayun babayaran ko na po is 2900 e sabe po bayaran lng yung 400 minimum na interest tapos maeextend na ung niloan ko what da nakakadismaya tlg

    ReplyDelete
  5. I keep on chatting them askung how to prolong my loan pero wla ako reply natatanggap. Nabasa ko na may ibibigay silang contratct no. Pero wla akong makita paano mo nakuha yung contract no. Mo and how did you contact them

    ReplyDelete
  6. Hai ask ko Lang po ung unang load poba ay free?Wala poba akong babayaran?

    ReplyDelete
  7. Hai ask ko Lang po ung unang load poba ay free?Wala poba akong babayaran?

    ReplyDelete
  8. i have paid 2 days ahead of the schedule for interest only. does it qualify for extention

    ReplyDelete
  9. i have paid 2 days ahead of the schedule for interest only. does it qualify for extention

    ReplyDelete
  10. Ako ngbyad ng 2000 n inutang ko,sbi nila 1st client wala interest Kya ontime ako ngbyad,.tpos kinalaunan my utang p daw ako 432 dhil prolongation ng loan..ngbyad n nga ako tpos my utang p din ano yun

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.