Cashwagon Walang Prolongation Fees

Share:
Nakakausap ko din ang isang Cashwagon agent ngayong araw dahil sa August 9 ay due date ko na din sa kanila. Matandaan, na-approved ako last month na hindi ko inaasahan. Mabilis lang talaga ang proseso kay Cashwagon. Minuto lang pagkatapos mong ma submit ang application, may tatawag na agad sayo na agent nila. Tunghayan nyo ang buong kwento sa link na ito: http://bit.ly/2v4aKD6

Kanina nakausap ko ang isang agent through a cellphone calls. Pinapaalalahan ako na malapit na ang due date ko at nagtatanong kung kailan ako magbabayad. Oo nga parang hindi ko napansin na natapos na yong 30 days ko at malapit na akong magbabayad. As usual, sinabi ko sa kanya na magbabayad ako sa araw mismo ng aking due date. Sabi nya ino-note nalang daw nya for reference. Para daw kung sakaling mag reloan ako mapa-process nila agad.


Napansin ko lang mas maganda ang Cashwagon compared to Moola Lending. Saan sila nagkakaiba? Dalawa ang kanilang kaibahan lalo na sa processing fee at sa prolongation fee. Kay Cashwagon walang processing fee samantalang kay Moola Lending compulsory ang 10% PF nila. Binibigay ni Cashwagon ng buo ang halagang ng niLoan mo sa kanila. Ang loan ko na P7,000 yon talaga ang pumasok sa bank account ko.

Bukod sa nabanggit na, tungkol naman ito sa prolongation fee. Kung kay Moola Lending mayrong P700, kay Cashwagon walang prolongation fee. Kung gusto mo ng another 30 days extension ang babayaran mo lang ay ang interest at wala ng prolong fees. Halimbawa, ang loan ko kay Cashwagon ay P7,000, after 30 days ang babayaran ko ay P9,800 kasama na interest. Kung pipiliin mo ang another 30 days extension, P2,800 lang ang babayaran mo.

Yong P2,800 hindi yon mababawas doon sa principal amount na inutang mo sa kanila. Ibig sabihin ma reset lang uli ang loan mo for another 30 days at ang babayaran mo ay same amount pa rin P9,800. Kung palagi mong babayaran ang P2,800 every 30 days, hanggang ayaw mo na at ibalik na ang principal amount. 


Mas mabuti na yong mag extend kay sa magbayad ng full tapos magreloan uli. Eh kung nagkataon weekend, hindi mo agad makukuha ang loan mo. Pero kung ang habol mo ay madagdagan ang loanable amount mo, pwede mong gawin ito pero kung same amount pa rin eh huwag muna kayong magbayad ng full, yong interest lang muna hanggang makakaluwag kana, importante hindi lulubo ang utang mo dahil sa kapabayaan na hindi nagbabayad ng interest. Yong ang hindi naiisip ng mga nangungutang at tumakbo nalang sa bandang huli dahil lumaki ng lumaki ang utang nila.

Dapat talaga pag-aralan ang mga lending companies para alam natin kung ano ang kanilang mga hidden rules na maaaring hindi nila sinasabi sa atin nong umutang tayo. Tayo naman sobrang excited, ayon pagdating ng bayaran, iyak dahil hindi na makakabayad.

1 comment:

  1. Hi ilang beses po pede mag prolongation kay cashwagon?

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.