Dormant Bank Account - Dapat Iwasan

Share:
Naging trending ngayon sa social media ang isang post tungkol sa isang netizen na nauubos ang laman ng kanyang account dahil sa kakabawas ng P300 ng BDO kada buwan. Talaga namang nakaka-alarma at nakakatakot itong pagmasdan at basahin kung ang nagbabasa hindi din alam kung ano ang mga policy o mga terms and condition ng mga bangko dito sa Pilipinas.

Nangyari na din ito sa akin noon pero bago paman na closed ang account ko alam ko na based doon sa nabasa ko sa likuran ng aking passbook (ang ibang bank nasa harapan din ng passbook) na mayron tinatawag na Dormant Account. Ano ang ibig sabihin nito? Ito yong account na hindi nagagalaw ng may-ari. Walang transaction na naganap sa loob ng dalawa o mahigit pang taon. Ang nagrereklamo sinasabing 3 years nyang hindi ginalaw ang kanyang account, ibig sabihin naging dormant ang kanyang account.  Ito'y legal at pinayagan ng Bangko Sentral na gagawin ng mga bangko para mapilitan ang account holder na pagalawin ang kanilang bank account. Kung hindi siguradong masasara ito kapag naging zero balance na ito.

Kung sakaling walang withdrawal o deposit for more than 2 years, pinapaalalahanan ng mga bangko na kung maaari mag balance inquiry lang sila sa pinakamalapit na atm machine para lang mayrong transaction na makikita. Kung hindi mo magawa yan dahil nasa ibang bansa kayo, pwede nyong utusan ang mga kaibigan o kamag-anak mo na mag deposit kahit P100 para lang gumalaw at hindi mapasama sa magiging dormant account ang account ninyo.

Minsan kasi hindi porket, may bank account na tayo iasa nalang natin lahat sa bangko ang pagbibigay ng impormasyon sa atin para lang ipaliwanag ang mga dapat gawin sa ating nakuhang bank account. Huwag natin masyadong pairalin ang pagkatamad magbasa. Ang sipag natin sa pagbabasa makakatulong ito sa atin, kung hindi man ngayon baka sa susunod na araw. Huwag natin maliitin ang pagbabasa ng mga nakasulat lalo na kung subrang liliit ng mga letra tulad nalang sa mga nakasulat sa inyong mga passbook or bank book. 

Payo namin sa inyo, basahin nyo ng mabuti at intindihin kung ano ang nakasulat sa harapan o likuran ng inyong passbook para malalaman nyo ang mga policy ng inyong bank account at magabayan kayo kung ano ang mga dapat gawin. Kung ATM card naman ang hawak nyo, buksan nyo yong malaking sobre kasi nandon sa loob ang mga policy ng inyong atm account. Huwag nyong iaasa sa iba ang dapat na kayo mismo ang nakakaalam para hindi kayo mag mukhang tanga pagdating ng araw.

Isang netizen ang nag comment sa post at pinaliwanag kung bakit naubos ang laman ng bank account kapag ito'y naging dormat. Halos magkapareho sila ng karanasan kaya alam naming, mangyayari din ito sa lahat kapag hindi aware sa mga policy ng mga bangko dito sa Pilipinas. Pakibasa ng mabuti para maintindihan at mapupulotan din ninyo ng aral.


LAHAT NG BANKO MAY GANYAN.

dormant account ang tawag dyan. ayon sa policy nila (at sa batas). pag 2 years dormant yung account, walang deposit or withdrawal(within 2 years) magccharge sila ng service fee per month. tapos, syempre, bumaba na yung account mo sa monthly maintaining balance, may isa na namang charge. kaya naubos yan.

sa mga may bank account, make sure na hindi dormant account nyo. magdeposit kayo kahit 100 or mag withdraw ng kahit 100 within 2 years and make sure hindi baba sa maintaining balance ng pinili niyong savings account type.

sample scenario ng nangyari sa savings account ko dati:

1. yung savings account ko may 1.5k na maintaining balance.
2. nagbago pala ang policy nila and tinaas ang maintaining balance (di ako nainform).
3. sa pagtaas ng maintaining balance, naging below ako so nagkaroon ng charge kaya nababawasan monthly.
4. naging dormant account ko so binawasan ng 300. naubos ng di ko nalalaman.

LESSON:

1. make sure na nasa minimum maintaining balance ka.
2. wag hayaang madormant ang account mo. make sure may deposit or withdrawal ka within 1 year.
3. make sure na alam nyo yung required maintaining balance ng inopen niyong savings account.
4. ugaliing magbasa ng rules and policies ng mga bank especially yung mga maintaining balance at rules sa dormant accounts.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.