Alamin ang mga Benepisyo ng inyong Bank Account

Share:
Mga kailangan mong konsiderahin kapag nagbukas kayo ng bank account sa isang bangko. Bawat bangko ay may kani-kanilang policy kaya magkaiba din ang kanilang mga panuntunan at mga alituntunin. Dapat suriing mabuti ang mga bagay na makakabuti sayo while nasa kanilang kamay ang pera na pinag-iiponan mo.

MAINTAINING BALANCE
May mga bangko na mayron silang mga accounts na zero maintaining balance, karaniwang para ito sa mga OFW nating mga kababayan na nagtiis magtrabaho abroad. Para maging panatag sila sa kanilang mga naiipon na pera, binibigyan sila ng benepisyo na magkaroon ng bank account na NO o ZERO maintaining balance. Hindi lang para sa OFW na account holder, pati din ang kanilang beneficiary pwedeng magbukas ng bank account wala ding maintaining balance.

Para sa regular savings account, may specific amount na kailangan maiwan sa account para hindi ito magsara o mababawasan buwan-buwan. Kapag bumaba sa maintaining balance ang laman ng inyong bank account, unti-unti itong mababawasan para sa tinatawag na service charge as per legally approved ng BSP. Kaya mas mabuting piliin ninyo ang account sa isang bangko na may mababang maintaining balance, at leat nagagamit nyo pa ang ibang pundo na hindi kailangan matutulog sa bank account nyo. 

AVERAGE DAILY BALANCE AND INTEREST
Hindi tulad sa negosyo na lalago ang pera mo kung nagamit ng husto, sa bangko naman napakaliit lang ng itutubo nito. Ang interest na makukuha mo sa iyong pera na pinatago mo sa kanila ay napakaliit lamang compared sa tutubuin mo kung gawin mong puhuna sa isang legit na negosyo. Applicable lamang ito sa marunong at magagaling sa negosyo. Kapag hindi ka marunong at pinili mo ang ilagay nalang sa bangko for safety reason, maganda pa rin kay sa ilagay mo sa baol at baka mananakaw pa ng kawatan. Kaso don't expect na lalaki ang pera mo sa loob lamang ng iilang buwan. Ang interest calculation ng bawat bangko ay based doon sa iyong ADB or Average Daily Balance. Kung milyon naman ang laman, huwag mo ng ilagay sa savings, ilagay mo na sa Time Deposit para mas lalaki ito dahil mas mataas ang interest rate ng time deposit.

PENALTIES AND FEES
Dapat mong malalaman ang mga deductions kapag ang iyong pera ay bumaba at hindi inabot ang maintaining balance ng bangko. Kadalasan ang mababawas sa iyong pera every month ay maglalaru sa P100 - P300 depende sa policy ng bangko. Commercial banks ay mas mataas ang kanilang mga service fees and penalties. Bukod sa mababawas sa iyong account, dapat nyo ring alamin ang babayaran sakaling mawala ang iyong ATM o debit card at passbook. Kadalasan ang maglalaro lang ito sa P50 - P200 depende pa rin sa bangko na humahawak sa account mo.

ONLINE BANKING OR APP
Mas maganda kung ang bangko na plano mong maghandle ng iyon pera ay mayron ng Online Banking. Convenient ito dahil namo-monitor mo ang iyong daily transactions at pati balances kahit malayo ka sa bank branch or kahit nasa labas kapa ng bansa. Ilang pindotan lang mabubuksan mo na ang iyong bank account at makikita mo na kung anu-ano ang mga transactions na pumapasok o mga lumalabas na funds. Kasama sa online banking ay ang app banking. Dahil sa pagkauso ng android at iOS, ang mga bangko ay gumawa din ng mobile app para ma-access mo ang iyong account gamit ang iyong cellphone. Isa pa rin itong uri ng online banking, ang kaibahan lang hindi sa browser ng chrome o firefox kayo papasok, deretso kayong papasok sa mobile app at doon pareho mong magawa ang nagawa din ng online banking.

MOBILE BANKING
Kung sakaling hindi kapa updated sa android at iOS, kahit keypad na cellphone ay pwedeng magagamit sa mobile banking. Na-access mo pa din ang mga account balances mo at mga transaction kaso hindi ganon kadali tulad ng sa online or app banking. Ang mobile banking ay makalumang paraan bago paman na introduce ang online at app banking pero magagamit pa rin ito kapag ayaw mo sa makabagong paraan.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.