Saturday, August 11, 2018

Fast Cash - Nanghaharass at Nambabastos na Din

Na delayed ang pagbabayad ng isa nating taga subaybay ang nagkakaproblema lately sa fast cash lending company.  Hindi na rin nito kinaya ang panghaharass at pambabastos ng kanilang agent sa kanila. Gusto ng ating followers at reader na magiging aral ito para sa karamihan upang maiwasan ang ganitong pangyayari sa inyo. Ito ang kanyang mensahe na pinadala sa atin:

Si fastcash isa nga sya sa pinaka mabilis na online lending.mabait sila kung mkakabayad ka pero kahit sino naman ganun tlaga. Nung unang loan ko sa knila mabilis na approved nila ang 4k ko. 

Pero  di mu sya buong makukuha my kaltas pa. Tapos sa loob ng 14days kailangan mu sya ibalik ng almost 5k.  Yun na nga ok ang lst loan ko nakabayad ako. Pagkabayad ko the same day din nag reloan ako and na widraw ko kagad ang nireloan kong 8k. Sa 8k nakuha ko lng 7,200 na need ko ibalik ng 9k mahigit sa loob ng 14days parin.. 

Eto na nga ang scenario nagka problem kami kaya as of now di parin ako nkakabayad sa kanila na 1month making delayd na ang total ko ng babayaran ay 13,912.bago pa man ako nadelayd na Sabi ko sa kanila mag papartial ako pero di pumayag ung agent na lalaki bakla ata ung kausap ko nayun. 

Na bastos at walang manners   at lahat ng contacts mu tatawagan nila dahil na access nila contacts mu at ikakalat nila na my utang ka. Di ko alam pero sa maliit na halaga na yan kung pagsalitan nila kami para bang kaylaki ng utang namin. Na kesyo san dw kami kumukuha ng tigas ng mukha at san dw gawa dahil sobra dw kami sa kapal ng mukha Panu kami mag babayad at gaganahan kausapin sya kung ganun kagad ang ibubungad nila. NSA akin po ung mga txt nila pinicturan kopo.


 Note: 
Please click photos to enlarge the views.

Actually 22 photos ang pinadala pero dahil limited lang ang space natin, pinili naming anim nalang ang ilagagay. Ito'y magiging proof na totoong nambabastos sila sa mga client. Na sana naman hindi nila dapat gagawin ito para hindi sila magkaroon ng bad image sa mga client na hindi naman marunong tumatakbo ng utang.
  

Mahirap talaga kapag ang dalawang party ay hindi nag-uunawaan. Although karapatan ng fast cash na maningil sa kanilang client pero hindi dapat idaan ito sa panghihiya, paninindak at panghaharass. Ang lahat ng bagay ay nadadaan sa pag-uusap, mapapansin natin na very unprofessional ang ginagawa ng agent. 




Hindi natin alam kung alam ito ng fast cash? O sa agent lang talaga nila ito. Dahil bago sila at ang mga tauhan karamihan hindi Pinoy, malamang iyon ang dahilan. Sana matutukan ito ng management ng fast cash upang hindi lumala at talagang mapipilitan ang iba na hindi magbabayad dahil sa matinding trauma.

15 comments:

  1. jsna nman nagbigay sla ng tamang aproach sa lender not to be a bossy as we all know recomended to sa aten pero sna be kind not be a narrow mind

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, I agree. Minsan din kasi nasa approached din nagmatter kung paano tayo sasagotin ng isang tao. Kung pangit ang approached mo, expect the worst na mas pangit ang balit nito sayo.

      Delete
  2. May bad experience din ako sa lender na ito. Nalate din ako ng bayad ng 2 days yata pero ang dami nilang nicontact sa mga nasa Contacts ko sabi pakisabi magbayad na daw ako. Tanong ko lang po kung nasa contract ba na allowed sila na icontact ang mga tao outside doon sa mga nilagay na references?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala sa contract pero ikaw mismo ang nag-allow sa kanila upang makapasok sa contacts mo. It happened nong sobrang excited ka sa pagpindot ng mga kailangan pindotin nong nag-apply po kayo. Isa sa pinindot mo ay yong ALLOW FAST CASH to access your CONTACTS.

      Delete
    2. Okay, so since wala siya contract e mali sila sa pagtawag sa mga nasa contacts? I mean yes may permission sila na iaccess laman ng contacts pero wala kang formal permission na ireach sila diba? Nakapagbayad na ako sa kanila and walang plano na magreloan and even uninstalled the app already pero just want to know ano yung possible na pwede ikaso sa kanila.

      Delete
    3. Pwede kayong magsumbong pero mahirap habulin ng kaso kasi wala sila sa pinas, nasa ibang bansa sila.

      Delete
    4. but base po sa research ko may office po si fast cash here sa philippines. i also experience this kind of threats

      Delete
  3. Curious lang ako paanu nagkaroon ng allow contacts sila sa pag access? If ever ba na uninstall yung app sa cp u hinde na nila maaccess yung contacts u or other info?

    ReplyDelete
    Replies
    1. We are not sure pero once nabayaran mo na lahat ang utang mo they stop disturbing you kaya kailangan bayaran mo para huminto na sila sayo.

      Delete
    2. its already encrypted sa system nila... i erase all my contacts but still ng.ttxt bregade pa rin sila sa mga contacts ko before ko pa idelete lahat ng contacts sa phone. my friends and family still receives txt from Fastcasha

      Delete
  4. Panu nagkallow access wala nmn lumabas a ganun. If i will uninstall the app will they still able to get the dtails of my contacts and other info

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit na uninstall tapos may utang kapa sa kanila still they will disturbed you, Nakuha na nila ang contacts mo nasa system na nila yon.

      Delete
  5. Same situation nakikiusap ako sa kanila na bayaran ko untiunti yong loan k sa kanila pero everyday ang tubo paani k matatapos mgbyad kng everyday ang tubo help po

    ReplyDelete
  6. Pumupunta po ba tlga ang mga lending company sa mga bahay ng umutang sa? knila

    ReplyDelete
  7. heto na nangyari na sa akin... sana di ko tinuloy dito.... nakaka hiya na cla

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.