Sino ang gumagamit ng Gcash? Ang Gcash ay isang virtual wallet powered by Globe Telecom. Kung dati mahirap gamitin ang virtual wallet na ito dahil sa traditional sim lang ginawa ang mga transactions, ngayon napakadali at napakabilis pa.
Maraming supported services ang Gcash. Kung wala kapang Gcash App sa cellphone mo, it's time to look for their app sa Apps Store or Google Playstore dahil ngayon pwede ka ng magbinta ng allnetwork loading, bills payment at marami pang iba.
Bukod dyan, napakabilis na din ang pagpapadala ng pera gamit ang Gcash. Ang kagandahan, napakamura lang ang charge compared sa ibang pera padala institutions. Ang Gcash ay tumatanggap na rin ng remittance galing sa ibang bansa. Lumalawak na ang coverage ng Gcash sa buong mundo.
Parami ng parami ang pwedeng babayaran na bills sa Gcash. From Cable, postpaid telcos, electricity, water bills, government institution and a lot more. Gcash continue doing there best to give a great service to all Filipinos. Kaya mas mabuting gamitin na rin natin ang Gcash para gumaan at mapabilis ang ating mga transactions.
Kahit anong network ang gamit mo ngayon, siguradong mapagbigyan ka ni Gcash dahil makaka-load na ang Gcash sa kahit anong network dito sa Pilipinas.
Ang kailangan mo lang para magkaroon ng Gcash ay Globe or TM simcard. Ang kagandahan pwede mo ng gamitin ang iyong virtual wallet sa mobile app or sa traditional way sa STK ng iyong sim or by calling *143# para magawa ang mga services ng Gcash.
Dahil holiday ngayon at ang karamihan mas gustong manatili sa loob ng bahay buong araw, hindi mo na kailangang mag-utos para bumili ng load sa labas o magbayad ng bills dahil hawak mo na sa iyong mga kamay ang pwedeng gagawa nito.
Lastly, ang Gcash ay pwede mo na ding gamitin through Facebook messenger, kahit naka free data kayo, maaari pa ring makapag-load sa iyong sariling cellphone o ng mga cellphone ng kapamilya at kaibigan nyo. Pwede rin kayong magbayad ng mga bills kahit walang net. Ang Gcash ay ready on the go, pwede mong gawin kahit saan at kahit kailan kahit nasa labas ka pa ng ating bansa.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.