Isa sa pinaka mabilis mag-approved ng loan dati ay ang Micromoney. Hindi mabilang ang pumasa kada araw. Ang Micromoney ay hindi Pinoy lending company. Kung Pinoy company ito sigurado akong hindi ganun ka dali ma approved ang mga loan application. Dahil sa napakadaling proseso nila, marami ang sinasamantala ang kanilang mga kahinaan pagdating sa singilan. Ang ending, maraming hindi nagbabayad hanggang ngayon kaya napilitan silang ihinto muna ang kanilang loan services dito sa Pilipinas.
Unfair naman para sa mga marunong magbayad kung ihinto na nila ang pagpapautang sa mga Filipino. Marami pa din namang marunong magbayad compared sa mga hindi. Kay goodnews para sa lahat ng mga Filipino, sa October 2018 magbabalik ang Micromoney sa kanilang loan services. Ito ang sagot sa aking pagtatanong sa kanilang official Viber number kahapon. Kasalukuyang ina-upgrade ng company ang kanilang loan service para na rin sa kapakanan ng company at sa mamayang Filipino.
Marami ang excited matapos malalaman na babalik na sila sa pagpapautang. Hindi naman kalakihan ang interest na idinagdag nila sa principal amount. Marami ang nakakagusto sa kanilang proseso compared sa iba na masyadong mahigpit. Kahit merong language barrier dahil hindi Pinoy ang kumakausap sa applicant pero ito'y malaking tulong sa mga Pinoy lalo na sa mga nangangailangan ng financial assistance.
Ang Usapang Pera At Iba Pa! blog ay patuloy na maghahatid sa inyo ng mga balita tungkol sa Micromoney at sa iba pang lending company na biglang nag laylo matapos magpautang ng malaking halaga sa mga Pinoy pero marami ang hindi pa nasisingil dahil hindi na ma reach ang mga taong umuutang sa kanila. Pakiusap namin sa lahat ng followers at readers ng aming blog na maging responsible po sana tayo sa mga utang natin.
Minsan talaga meron mga hindi inaasahang pangyayari at magagamit natin sa iba ang pambayad natin sa mga utang pero kahit ganun paman, lagi natin tandaan na ang utang ay dapat bayaran hindi pilit na kalimutan. Malaki o maliit man ang interest, ikaw mismo ang lumapit sa kanila para umutang at hindi nila kayo pinipilit. Huwag nyong kalimutan ang panahon na kayo'y natulongan at hindi puro reklamo nalang kapag hindi na makakabayad.
Kami din dito sa Usapang Pera At Iba Pa! blog ay natutuwa kapag nakakabasa o nakakarinig na nagbabayad kayo ng inyong mga utang. Hindi yong nagpo-post lang kayo kung approved kayo pero pagkatapos sa panahon ng bayaran, wala na kaming mababa o maririnig kung mga reklamo na malaki ang interest kesyo ganito, kesyo ganyan. We agreed the terms bago paman natin nakuha ang pera. Kaya iwasang kalimutan ang due date kung sakaling walang pambayad ng buo, kausapin ang kinaukulan.
Susubukan naming makuha ang mga panig ng bawat lending na naipost namin dito para kung sakaling kailangan nyo ng agarang mga sagot sa inyong katanungan tungkol sa inyong loan, agad natin silang matatawagan o ma-contact na hindi mag-aantay ng mahabang panahon na lalong lumulubo ang untang sa kanila. Sisikapin namin na magawan ito ng paraan para may ugnayan tayo sa kanila mga taga rito sa PPOG.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.