Monday, August 06, 2018

Harassment From CASH LENDING Collector

Isang masugid na taga subaybay at readers natin dito sa Usapang Pera  at humingi ng payo o opinion kung ano ang dapat nyang gawin sa Collector o Agent ng Cash Lending na nanghaharas sa kanya. Itatago nalang natin ang pangalan nya para sa security nya at sa reputation na din. Magiging Anonymous ang kanyang mensahe para sa atin. Nagpadala po siya ng email sa pinoypautangonline@gmail.com at ito ang ating mababasa:



Good day,

Magtatanong lang po kung ano ang pwede gawin sa nangyari po sa aken. July 12 po nung nag loan po ako sa CASH LENDING, isa pong App. naapprove po ang loan ko na 7k na kailangan ko po ibalik ng july 25 amounting to 7980. bale nung pinadala po nila ung pera nsa 5500.00 nlng po. 

Ngayon po hnd po ako nakabayad nung July 25, nung tinawagan po ako ng agent nila nagsabi po ako na makakapagbayad ako by August 1 at babayaran ko nlng po ung penalty. Nagtxt po ung agent nila na binibigyan nila ako gang July 31 pra magbayad or else my gagawin na silang hnd maganda. 

Unfortunately po, hnd ko din nabayaran nung August 1. Ngayon po nakareceive po ako ng message galing dun sa agent nila, hnd man lang muna ako sinubukan makausap. Mejo hindi po maganda ung sinabi at nagtxt po sila sa lahat ng contact sa cp ko. pati po sa mga katrabaho at boss ko. ngayon po nsa 10k ndaw po need ko bayaran, kaso nmn po baka dahil sa ginawa nila mawalan ako lalo ng trabaho.


sana po mapayuhan niyo po ako, kasi lalo po ako nawalan ng gana na bayaran sila.

Thanks and best regards!

Hindi sa lahat ng panahon na magiging Okay ang financial status ng bawat tao. Ibig sabihin mayron talagang panahon na kakapusin tayo dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Siguro may mga panahon na may mas uunahin kang bayaran instead na ang utang mo. Dapat din sana na nagbibigay sila ng palugit para makahanap ng pambayad ang tao, hindi yong manghaharass na agad dahil hindi mo nabayaran sa pinag-usapang araw.

Minsan din tinutulak ng mga malulupit na lending companies ang tao para takbuhan sila dahil masyado na itong aggresive lalo na sa paniningil. Seven to fifteen days ay malaking bagay na yon sa mga hindi pa nakakabayad ng kanilang utang.  Kausapin at kunin ang panig ng client kung bakit hindi ito nakakabayad. Mahahalata naman ito kung nagsisinungaling lang talaga ang tao. Mag set ng panibagong due date at kapag hindi pa rin nakabayad, legal action ang kailangan hindi pagsasabihan ng kung anu-ano o minsan pa ay naninindak na. Lahat ng solution sa problema ay nadadaan naman sa mabuting usapan.

Para sa mga client, dapat din nating tandaan at seryosohin ang mga pinag-usapan after sa binigay na palugit. Gawin ang lahat na makakaya para mabayaran ang utang. Lagi nating tandaan na minsan natutulungan din tayo sa pera na ating inutang. Unless kon ang inutang mo ay para lang sa luho po sigurado akong hindi mo ramdam ang kahalagahan ng pagbabayad nito. Huwag sana nating ilagay sa ating isip na, Okay lang na hindi magbabayad dahil hindi tama ang ginagawa nilang paniningil.

Para sa lahat na mayrong utang, pahalagahan ng mabuti ang araw na pinag-usapan para sa pagbabayad. Huwag kaligtaan ang responsibilidad mo na bayaran ang utang dahil ito ay utang. Ang utang ay dapat bayaran hindi pwedeng pilit itong kakalimutan magpakailanman. Be a responsible borrowers!

3 comments:

  1. Hello po gusto ko po sanang magsumbong kc po pinahiya nila ako sa fb eh binigyan ako ng taning na hanggang 6 pm pra byaran yung loan ko at ginawa ko nmn agad sana po maaksyunan nio yung problema ko sa fb at burahin na rin ung pinost nila

    ReplyDelete
  2. Hello po gusto ko po sanang magsumbong kc po pinahiya nila ako sa fb eh binigyan ako ng taning na hanggang 6 pm pra byaran yung loan ko at ginawa ko nmn agad sana po maaksyunan nio yung problema ko sa fb at burahin na rin ung pinost nila

    ReplyDelete
  3. Eto cash lendimg po nag black mail po
    . Wla pa pong nakukulong sa debt. Pweo harassment meron.

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.