Majority sa mga nagrereklamo at naghahanap ng masusumbungan ay mga taong umutang pero pagdating ng bayaran hindi na nila kayang magbayad pa. I agree na karapatan nating mag reklamo lalo na kung sa palagay natin hindi naman makatao ang sinisingil nila sa atin. I am talking about loan at ang high interest na pinapatong ng mga lending companies. Sa panahon ngayon, naging tuso na rin ang mga lending companies dahil din sa mga naranasan nila hindi maganda sa mga client na mabait at masunurin lang sa umpisa. Para sa kanila, kung sakaling mayron talagang hindi nagbabayad, bawing-bawi na sila.
Ang scenario ganito, ang mga hindi nakakabayad nagrereklamo at sumisigaw ng katarungan sa social media tungkol sa mga matataas na interest na pinatong sa utang nila kung kaya hindi sila nakakabayad. Yes tama sila, kaso malaki ang kanilang pagkakamali dahil saka na sila nagrereklamo nong bayaran na. SAAN YONG PANAHON NA HINDI PA NILA NAKUHA ANG PERA? Nakalagay na talaga doon kung magkano ang babayaran natin pagdating ng due date. Malinaw yan sa naging transaction pero hindi yan pinapansin dahil sa sobrang excited na makakuha ng pera. OK lang sana kung ang pera na iyon ay galing sa pagkapanalo pero UTANG yon kaya dapat hindi ka maaaring sobrang excited dahil may kaakibat na responsibilidad yon pagdating ng due date o araw ng bayaran.
Karamihan hindi nila iniisip ang araw ng bayaran kung paano sila makakahanap ng pambayad o saan nila kukunin ang pambayad sa kanilang utang. Dapat bago paman makuha ang pera DOON MAGREKLAMO na tayo at kung hindi natin nagustuhan, huwag na natin ituloy. Alam na natin sa umpisa na hindi natin kayang bayaran ang laki ng interest, Eh di huwag na nating ituloy. Para walang problema na kahaharapin sa bandang huli.
Marami kasi sa atin, hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Malaki man ang interest o hindi, kapag umutang ka dapat mo itong bayaran. Ang hiniram mo ay hindi sa iyo kaya nga tinawag na HIRAM o UTANG dahil ang kaakibat nito ay kailangan mong ibalik ang kung ano man ang hiniram mo o inutang. Huwag naman ganun, huwag kang magsisigaw at kunwari humihingi ng katarungan dahil ikaw ay naisahan. Hindi ka naisahan, ikaw lang talaga ang may kasalanan.
Kaya bago gumawa ng mga hakbang, dapat pag-isipan ng maraming beses. Lahat ng problema may solution. Hindi yan magiging problema kung walang solution. Ikaw lang talaga ang tamad maghanap ng solution dahil nasanay ka na rin na KUNG WALA, eh WALA EH. Diba uso yan ngayon? Huwag, kapag may pinasok kang isang transaction tulad sa lending, dapat marunong ka ding lumabas na hindi kailangang manlamang ka.
Payo namin sa inyo. Huwag talikuran ang mga responsibilidad na pinasok natin. Huwag sana tayong duwag sa mga desisyon na maaaring ikakapahamak natin at ng mga taong nasa mga CONTACTS natin. Maraming madadamay na hindi nila alam ang dahilan bakit sila tinawagan, dahil pala naging isa sila sa CONTACTS ng iyong cellphone. Mangyayari lang ang panggugulo ng mga lending companies kapag, ikaw ay hindi tumupad sa inyong usapan. Lahat ng umutang at nagbayad ng maayos hindi nila ginugulo. KAYA MAG-INGAT PO TAYO SA MGA GAGAWIN NATIN TRANSACTION LALO NA SA PANGUNGUTANG. HUWAG KALIMUTAN ANG ATING RESPONSIBILIDAD PARA HINDI TAYO MAGKAKAPROBLEMA SA BANDANG HULI.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.