Nauuso ang pautang, offline man o offline. Ang problema lang, nauuso din ang mga mangungutang.Wala namang problema sa dalawang nabanggit kung pareho nilang gampanan ang kani-kanilang responsibilidad. Dahil sa hirap ng panahon, mas pipiliin ng karamihan na umutang nalang kay sa antayin ang sahoran o antayin ang araw kung kailan mabuo mo ang halaga na katumbas sa gusto mong bilhin o pagagamitan ng pera.
Dahil sa sobrang luwag ng iba na magpautang, namimihasa din ang mga mangungutang. Mayrong nangungutang na Okay lang sa umpisa pero kapag oras na ng singilan, abay! hindi mo na sila makikita na pagala-gala sa bakuran mo, sa shop mo o sa opisina mo. Sila yong tinatawag na irresponsible borrowers. Kung mag conduct ka ng CI, siguradong halos lahat sa barangay ay thumbs down ang isasagot.
Isa lang dapat iisipin ng isang tao na gustong umutang. Tatanungin nyo ang inyong sarili sa mga sumusunod na tanong.
KAILANGAN KO BA TALAGANG MANGUTANG?
PARA SAAN BA ANG UUTANGIN KO?
KAYA KO BANG BAYARAN ANG INUTANG KO?
SAAN AKO KUKUHA NG PAMBAYAD?
Kailangan ko ba talagang mangutang?
Dapat bago umutang, take time to evaluate yourself kung badly needed ito o baka mayron namang ibang paraan na mapagkunan para lang hindi makakautang. O baka naman mayron kayong naitabi noon tapos nakalimutan nyo na, baka pwedeng yon nalang ang gagamitin? Pwede rin sa magulang o sa malapit na kamag-anak manghiram para walang tubo at pwede mapakiusapan sakaling magka-abirya. Less hassle para sa pamilya at hindi ka mag worries sakaling mayrong hindi inaasahan pangyayari na maaaring ang pambayad mo sana ay magagamit sa iba.
Para saan ba ang uutangin ko?
Laging tandaan na saka lang kayo umutang kong ito'y badly needed o during emergencies. Iwasang umutang para sa luho lang. Marami kasi sa mga nangungutang ngayon, kaya nahihirapan bayaran dahil hindi nila ito ramdam na dapat bayaran dahil hindi nila napahalagahan ang usage ng kanilang inutang. Pero kung ang inutang mo ay totoong nakakaligtas ng buhay mo ng sa pamilya mo, siguradong hindi mo talaga kakalimutan ang responsibilidad mo bilang borrowers at dapat mo talagang bayaran ang pera na iyong inutang.
Kaya ko bang bayaran ang inutang ko?
Dito kailangan talaga ang pagsusuri sa sarili at sa financial capability mo. Ito ang kadalasang hindi ginagawa ng mga tao na gustong umutang. Dahil sa tindi ng pangangailangan hindi na nag-iisip kong kayang bang bayaran ang kanyang inutang. Kaya ang tao nalubog sa utang dahil sa walang pakundangang pag-utang na hindi inisip kung sa bandang huli ay kaya ba nya itong babayaran. Marami sa ating mga Pinoy ay nabubuhay nalang sa utang. Anong ibig kung sabihin? Mangungutang sa iba upang mababayaran ang lumang utang. Tuloy-tuloy na ang pangungutang hanggang namamatay nalang ang umutang, pati utang ay pinasa na sa mga anak, grandchild, ang masklap umabot pa sa great great-grandchild.
Saan ako kukuha ng pambayad?
Karamihan sa mga umutang, hindi alam kung saan kukunin ang pambabayad ng kanilang hiniram. Nauuso din kasi ang katagang "Bahala na si Lord". Kaya inaasa nalang nila kay Lord ang lahat, kaya kung hindi biniyayaan ni Lord, ang utang ang pilit kinalimutan. Dapat nating isipin na once umutang ka, responsibilidad mo itong bayaran. Paano mo mababayaran kung sa umpisa palang, hindi mo na alam kung saan kukunin ang pambayad. Mayron ka ngang sahod eh kulang pasa mga inutang mo din 5 months ago? Kung wala kapang pambayad at kung sakaling hindi mo pa alam kung saan kukunin, ugaliing magtabi kada araw kung sakaling may income ka araw-araw. Malaki man o maliit ang inutang mo kung hindi man ma fully paid, at least mababawasan ito.
BE A RESPONSIBLE BORROWERS
Lagi nating tandaan na kailangan nating magbayad ng UTANG. Sa batas sa itaas at sa batas dito sa lupa, ang utang ay dapat talagang bayaran at huwag pilit kalimutan. Iba ang tulog sa taong walang iniisip na utang na dapat babayaran. Make a goal na mababawasan ang daming mga utang. Isa din sa dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pinoy ay dahil sa utang. Halos lahat ng kikitain natin ay mapupunta sa utang dahil palaki ng palaki ang interest na idinagdag ng mga lending companies ngayon. Dahil din ito sa mga taong irresponsible borrowers, sabi pa nong mga nagpapautang at mga lenders -AT LEAST MAN LANG MAKABAWI SA IBA SAKALING TINATAKBUHAN SILA.
Gudam po, pls pki check nman po .hnd ko namn n claim bkit nga naga.msg sa akin.....hnd ko nkuha ksi hnd ki Alam Kung saan kunin.atska mkita nyo namn po Kung na withraw ki at saan...bkit hangang ngayn Ng msg sa akin....pls po pki check...tnx.dapat cancelled n Yan..
ReplyDeleteGudam po, pls pki check nman po .hnd ko namn n claim bkit nga naga.msg sa akin.....hnd ko nkuha ksi hnd ki Alam Kung saan kunin.atska mkita nyo namn po Kung na withraw ki at saan...bkit hangang ngayn Ng msg sa akin....pls po pki check...tnx.dapat cancelled n Yan..
ReplyDeletePii check namn po plsss...e cancelled nalang Yan para hnd n kayo mag msg.tnx
ReplyDelete