Bawat bangko ay may kanya-kanyang policy kung paano ito ipapatupad sa kanilang mga clients. Karamihan sa atin hindi aware sa mga malalalim na policy lalo na kung hindi tayo mahilig magbasa ng mga maliliit na mga letrang nakasulat sa ating mga passbook o mga papel na kasama sa ating atm card. Hindi na ito pinapaliwanag ng bangko pa isa-isa maliban nalang kung itatanong mo ito sa kanila. Kung hindi ka magtatanong, hindi rin nila ito sasabihin sayo sa araw na nag-open kayo ng account sa kanila.
It's our obligation to read those policies na nasa likuran ng ating passbook o sa mga kasamang papel sa ating atm card. Problema lang dito, napansin ko na wala silang tagalog or cebuano version sa mga policies na iyon. Majority sa mga account holder ng isang bangko ay limited lang ang naintindihan sa English. Hindi naman importante ang lengwahe sa isang tao, basta marami kang ipon sa bangko.
Hindi naman ata mahirap e translate ito sa mother tongue ng mga majority of their clients. Bukod na maliit pa ang pagkasulat, English pa ito kaya hindi talaga ito binabasa ng mga may hawak ng mga ito. Sa totoo lang kahit nga ako, yong papel na kasama sa atm card, tinatamad akong magbasa pero dahil gusto kung malalaman kong anong mayron baka magigising nalang ako sa isang araw wala ng laman ang account ko. Kung tinatamad akong magbasa na nakakaintindi ako ng English, how much more yong mga hindi masyadong nakakaintindi.
Kaya sana mga taga bangko gawan nyo ng paraan na ma-translate ang inyong mga policies into major languages sa ating bansa like Tagalog, Cebuano, Iloko, Hiligaynon at iba pang lengwahe na ginagamit ng inyong mga client. Hindi naman malaking kawalan ito although maraming technical terms na hindi pwede i-translate into another language bukod sa English. Pero para maaabot ang puso at pangangailan ng mga clients ninyo, dapat siguro magawan din ito ng paraan. Iba pa rin yong mababasa mo ang sarili mong lengwahe.
Para sa lahat ng may bank account sa kahit anong bangko dito sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ugaliin nating basahin ang mga policies ng bangko para hindi tayo magugulat sakaling mayrong nababawas sa ating mga bank account. Kung hindi man agad matatapos ang pagbabasa pero at least binasa mo. Hindi naman kailangan taposin mo ang lahat na nakasulat sa isang araw, hindi ka naman obligado na basahin agad ito. Pero kapag may time ka, halimba before matulog sa gabi habang tulog na ang mga bata o ang mister o misis mo, bigyan mo kahit 10-20 minutes man lang upang basahin ang mga policies ng inyong mga bangko para kayo'y matuto at hindi magmukhang tanga sakaling magka problema kayo.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.