Listahan ng mga Cellphone Numbers sa Pilipinas

Share:
Parami ng parami ang suffix numbers ng iba't-ibang telecom companies sa ating bansa. Nakakalito na ang mga numbers na tatawagan mo o padalhan ng SMS. Yong iba panay reklamo na dahil biglang naubos ang loan nila at hindi na makakatawag o makakapadala ng SMS or Text. Isa akong loading station owner kaya kabisado ko na ang mga hinanaing ng mga customers namin. Minsan, pumupunta pa tala sa shop namin para magtanong bakit hindi matawagan ang isang number eh, UNLIMITED naman yong pinapa-load nya sa amin.

Sa Pilipinas, ang UNLIMITED CALLS ay para lang sa kaparehong network. Naguluhan sila dahil nakapag send naman sila ng SMS. Kapag kayo'y Katropa o TNT user ( Talk N Text) , kung naka one month unlicall at unlitext kayo, siguraduhin mo na yong tinatawagan mo ay TNT  or Smart users din. 

Dahil pwede kayong makakapag send ng SMS sa kahit anong network dahil ang package nila ngayon ay UNLI ALL NETWORK sa P10 mo tapos pwede mo itong e-extend ng P5 per day. Sa P5 mo, unli call kana sa  TNT,  Smart and SUN users kasama na ang Jump-In, Smart Bro at Red Mobile. Kaya para sa akin mas magadang gamitin ang TNT compared sa ibang sim card. Matagal na din akong TNT users although mayron akong back up na TM, Globe at Sun sim sakaling magka-abirya ang main numbers ko.


Para hindi na kayo malilito, we will classify different telco's suffic number according to their network. We encourage everyone na kabisaduhin ang mga ito para hindi na kayo magkamaling tatawagan ang network na hindi kapareho ng inyong network na may package for UNLI CALLS. Ito ang sumusunod na network at mga suffixes numbers nila.

SMART & TNT or TALK N TEXT

0813
0900
0907
0908
0909
0910
0911
0912
0913
0914
0918
0919
0920
0921
0928
0929
0930
0931
0938
0939
0940
0946
0947
0948
0949
0950
0951
0970
0971
0980
0981
0989
0992
0998
0999

GLOBE &  TM or Touch Mobile

0817
0905
0906
0915
0916
0917
0926
0927
0935
0936
0937
0975
0977
0994
0996
0997

SUN CELLULAR

0922
0923
0924
0925
0931
0932
0933
0934
0941
0942
0943
0944

ABS-CBN Mobile

0937

CHERRY MOBILE

0996

NEXT  MOBILE

0978
0979

EXTELCOM

0973
0974

Matatandaan na ang unang lumabas na suffix numbers sa Smart ay 0919 at 0918, wala pang TNT noon at sa Globe naman ay 0917 at wala pa ang TM na later on pinalabas halos magkasabay lang si TNT at TM. Nitong 2018 dumami na talaga ang mga suffixes at nakakalito na sa mga users. Dahil labag sa batas na yong mga inactive numbers dati ay buhayin muli, yon ang dahilan nag-apply ng panibagong suffixes numbers ang mga telcos. 

Ang Pilipinas lang ang may pinaka murang sim cards at kayang magpalit araw-araw na hindi na kailangan ng ano mang documents para makakuha ng panibago, hindi gaya sa Middle East lalo na sa Saudi Arabia na kailangan mong ipakita ang inyong IQAMA para makakuha ng isang sim card, at hindi pwede na dalawang number ang kukunin sa isang IQAMA. Lahat ng transaction mo nati-trace ng gobyerno through your cellphone numbers. Kaya mga Pinoy doon ingat sa pagbibigay ng numbers sa kahit kanino o sa mga government entities.


No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.