NAGTAKDA ANG GOBYERNO NG MAGBABANG SINGIL SA TAWAG AT TEXT SA PAGITAN NG MGA TELCO’s
Ayon sa Deputy Commisssioner ng National Telecommunications Commission (NTC), naglabas sila ng memorandum circular na nag uutos na ilathala sa Biyernes, July 20 - ito ay kaugnay sa singil sa interconnection upang mabawasan mula 2.50 hanggang .50 sa kada minutong tawag at .15 hanggang .05 naman sa text.
Ang mababang singil sa interconnection ay nagreresulta ng mababang gastos sa operasyon ng bawat kumpanya ng telekomunikasyon, at magiging daan ito upang marami ang mahikayat na mamuhunan sa ikatlong player ng telekomunikasyon. Samantala, ang mababang singil sa interconnection ay nagbubunga ng mababang bayarin ng mga mamimili, kahit na nga marami sa ating mga kababayan ang gumagamit ng messenger apps para makapagpadala ng mensahe sa halip na sa konbensyonal na pamamaraan.
Ayon na rin pagsasaliksik ng 2015 Global Mobile Consumer Survey, 94 porsyento ng mga Pilipino ang mas pinipili ang paggamit ng Facebook messenger, at 39 na porsyento naman ang nasisiyahan sa bilis ng internet connection.
Ayon sa pag-aaral ang Facebook messenger ay isang instrumentong pinipili ng mga kababayang Pilipino upang makapagpadala ng mensahe.
Sa huling bahagi ng SONA ng ating Pangulong Rodrigo Duterte tinalakay dito ang paghahanap ng ikatlong pangunahing kumpanya ng telekomunikasyon , ang siyang magbubuwag sa umiiral sa ngayon na duopoly sa pagitan ng dalawang malalaking kumpanya ito ay ang PLDT at Globe.
Kaugnay nito sinabi naman ni Grace Mirandilla-Santos ang nangungunang convenor ng Better Broadband Alliance sa CNN Philippines. “Kung nagnanais ng isang kumpetisyon para sa duopoly, gawin itong madali upang mahikayat na pumasok ang mga mamumuhunan.”
Inaasahan ng Department of Information and Communication Technologgy (DICT) ang pag bid at pag award sa ikatlong kumpanya ng Telco sa huling araw ng Setyembre upang masimulan na ito sa susunod na taon.
Kaugnay ng balitang ito 15 lokal na kumpanya ng telecom ang nagpahayag ng interes na maging bahagi ng ikatlong major telco player.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.