5 mahahalagang bagay na dapat tandaan sa mga bago pa lamang na nagsisimula sa larangan ng pagnenegosyo.
Ang bansang Sri lanka ay nagsimulang yakapin ang larangan ng pagnenegosyo marami sa kanila ang nagnanais na makapagsimula nito. Karamihan sa kanila ay nagsimula lamang sa maliit na puhunan na kanilang pinapaikot, dahil na rin sa kanilang kagustuhan na makapagsimula at makapagtayo ng isang negosyo sila ay handang magtiis para lamang umunlad ito. At dahil sa haba ng panahon na kanilang nilakbay upang makamit at mapagtagumpayan ito, marami ang nagnanais na sundan ang kanilang mga yapak. Narito ang mga mahalagang gabay na maaari nating tandaan upang makatulong sa mga bago pa lamang na nagsisimula sa larangan ito.
1. Pagpili at pagkuha ng ideya sa pagnenegosyo
May mga kadahilanan kung bakit ang isang negosyo ay hindi nagtatagumpay nangangailangan ito ng tamang panahon at timing. Ganunpaman ang pangangalap ng impormasyon para sa iyong napiling negosyo ay isang magandang ideya, sapagkat ang pagnenegosyo ay isang malaki at mabigat na responsibilidad at commitment, ang iyong kahandaan sa maaaring mangyari at pagkakaroon ng opsyon para sa agarang pagresolba ng mga babangong suliranin ay malaki ang maitutulong upang maging matagumpay sa iyong napiling negosyo.
2. Magplano
Matapos na pag-aralan ang bawat aspeto ng pagnenegosyo at napatunayan na ito ay magiging maayos naman, simulan na ang pagpaplano para sa pagsisimula nito, itala ang maaring gastusin sa pagsisimula nito, kung kinakailangan ba na kaagad na kumuha ng tao para sa iyong sisimulang negosyo at maging sa pag-aayos ng legal na obligasyon, sapagkat ang naturalesa ng pagnenegosyo ay pabago-bago kaya naman ang pagpaplano ng mabuti at kahandaan sa larangang ito ay magreresulta ng maganda at maayos, kabalintunaan naman ang mangyayari sa mga negosyong hindi napag-aralan at napaghandaan ng mabuti.
3. Pagkalkula ng kapital at pagtantiya ng kita
Kaalinsabay ng pagpaplano ng pagnenegosyo ay ang pagpaplano din kung gaano kalaking salapi ang ipupuhunan sa pagsisimula nito at gaano rin ang inaasahan mong kita para rito. Parating magkaroon ng pagpaplano sa pagtantiya upang ang target na kita ay iyong makuha, kung nagnanais naman na makakuha ng investors sa iyong sinisimulang negosyo maari kang magbukas ng isang dialogo para matalakay sa kanila ng malinaw ang iyong mga balakin gayundin naman sa sila.
4. Magkaroon ng masusing pananaliksik
Ang pagsasaliksik ay kadalasang nakakaligtaan subalit kung ito ay magagawa ng tama ang resulta nito sa larangan ng pagnenegosyo ay magiging epektibo, ang iyong maging pangunahing layunin ay mabantayan at makakuha ng mga estratehiya na lalong magpapalago sa iyong negosyo, Ang pag aanalisa sa mga potensyal na kakumpitensya at ang pag-aaral rito ay makakatulong ng malaki upang lalong mapabuti ito.
5. Makahanap ng panimulang salaping puhunan
Kung ikaw ay may maliit na negosyo at bago pa lamang itong nagsisimula, kinakailangan mong pag-aralan at planuhin kung magkanong salapi pangkapital ang kinakailangan mong ilaan para rito. Sa ngayon marami ng mga pinansyal na institusyon na maaaring subukan upang magamit bilang panimula o dagdag na kapital at ito ay naaayon na rin sa iyong pangangailangan, at popular dito ang cashwagon sila ay nagbibigay ng pautang ng walang masyadong hinhinging dokumento, na may buo, malinaw at madaling pag-access, ng walang anumang balakid sa agarang pag-utang.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.