Wednesday, August 15, 2018

Mga Dapat Malaman sa Pagbukas ng Bank Account

Mayrong dalawang uri ng savings account ang ino-offer ng mga bangko. Ito ay ang passbook at atm. Ang kaibahan sa dalawa ay ang atm account typically para sa spending while sa passbook naman ay para sa savings.  Ang ATM accounts ay may ATM or debit card, na mas madaling makakuha ng pera at makabili. Samantalang ang Passbook account naman ay may bank-issued notebook called bank book or passbook, kung saan naka-record ang lahat ng transaction mo at nandon din ang available balance mo. Ang passbook accounts ay mas safer than the ATM accounts for long-term savings method.

Kung dati talagang magkahiwalay ito pero ngayon pwede ka ng magkaroon ng isang account pero dalawa ang hahawakan mo ATM at saka passbook. Ang dalawa ay parehong mag-iinterest every month. Kapag dalawa ang hawak mo napaka convenient para sa iyo dahil may kanya-kanyang functions ang bawat isa. Halimbawa, ang passbook magagamit mo sa pagdi-deposito at ang ATM naman magagamit mo sa pagwi-withdraw na hindi na kailangan pumunta pa ng bangko. Centralized ang pondo sa dalawa kaya kahit saan kaman maaari mong gagamitin either your ATM card or your passbook depende sa situation kung saan nangangailangan ka ng pondo.

Para sa malakihang withdrawal, ang maaari mo lang gagamitin ay over the counter gamit ang passbook mo, although pwede naman ang ATM kaso hahanapan kapa ng bangko ng iyong valid id. Sa pagsha-shopping naman, hindi mo magagamit ang passbook mo. Tanging ang tinatanggap ng cashier ay ang ATM o debit card mo para mai-swipe sa kanilang POS terminal for cashless shopping. Kung dati isa lang ang pwede mong i-avail sa bangko, either ATM or passbook. Kapag gusto mo ang dalawa, bibigyan ka nila pero with separate bank accounts. Ngayon nagbago na, iisang account nalang with 2 types of different functions. Mas convenient kay sa noon kaya marami na ang may hawak sa iisang account na automatic mayrong ATM o debit card at may passbook.


Para naman sa mga businessman, marami na ding bangko ang nag-offer sa iisang bank account pero magiging 3N1 na ang functions. Bukod sa ATM o debit card at passbook, mayron na din ito ngayon Checking account.  Pwede ka ng mag-issue ng tseke gamit ang parehong bank account. Mas more convenient para sa mga businessman. 

Paano Mag-apply?

Napakadali lang mag-apply sa kahit saang bangko. Siguraduhin lang na may dala kayong primary documents at ang iyong pang initial deposit. Karamihan sa mga bangko sa Pilipinas, isang government-issued ID lang ang kailangan na may larawan sa ID pero mas mabuting dalawa ang dalhin nyo para if in case kailangan nila ng additional proof of your identity, mayron agad kayong maibibigay. 

Kung walang ibang government ID, tinatanggap na rin nila ang Police at Barangay clearance, NBI clearance, at marami pang iba na pwede magagamit. Pwede nyong tawagan ang nearest branch or puntahan ang branch ng bangko na gusto nyong doon magbukas ng bank account. Pwede nyo ring i-access ang website ng bangko nagustohan ay alamin kung ano ang mga requirements to open a savings account sa kanilang nearest branch.

Kapag nasa bangko kana, lumapit lang kayo sa NEW ACCOUNTS section at ihanda ang mga kailangan requirements at sabihin sa staff ng bangko na mag-open kayo ng savings account. Bibigyan kayo ng kaukulang forms para filled-up. Kapag natapos nyo ng sulatan ang form at na-check na ng taga bangko ang mga detalye na nilagay, aasikasuhin na nila ito. Ilang minuto lang pagkatapos noon, mayron kana agad account sa kanila, depende sayo kung ATM card o passbook ang kukunin mo, pwede din ang dalawa.
**Please click to enlarge the photo**

Banks with their corresponding requirements at ang initial deposit na kailangan para magkaroon ka ng bank account sa kanila. Limang bangko lang ang pinakita dito pero some other banks ay halos pareho lang ang kailangan na requirements. Magkaiba lang sa initial deposit. Kung Rural banks naman, mas maliit ang initial deposit nila. For as low as P100, pwede ka ng magkaroon ng both ATM card and Passbook.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.