Saturday, August 18, 2018

MGA KATANUNGAN BAGO KUMUHA NG CREDIT CARD


Ang pagkaroon ng credit card ay isang malaking responsibilidad. Ang pagkaroon ng isa o higit pa ay maaaring makakatulong o makakasira ng iyong buhay depende kung paano mo ito ginagamit. Bago magplano na kumuha uli ng isa pang credit card, mabuting tanungin mo munsa ang iyong sarili.

1. Bakit kailangan ko ang credit card?
Ang salitang kailangan ay maaaring magtulak sa iyo sa iyong kakayahan na mamili at mangolekta ng mga reward points para sa mga bagay na iyong binili. Yong iba naman ay feeling social kapag nagbabayad sa cashier na hindi cash. Pero sa mga taong alam kung ano ang nasa likod ng pagkakaroon ng credit card, patagilid na ngumingiti para hindi mapansin nong taong nagmamay-ari sa ginamit na credit card sa pagabbayad.

Kung sakaling mayron ka ng isang credit card, inaanyayahan namin na tanungin ang sarili kung bakit kailangan nila ng isa pa. Mas mabuting balikan nyo muna ang history usage mo sa iyong credit card para malalaman ang iyong pagastos. Pause for awhile at tanungin ang sarili, yong pinamili ko ba ay belong sa needs ko or sa wants? Responsible card holder ba ako? Kaya ko pa bang magkaroon ng isa pang credit card?

2. Ano Ba ang APR?
Ang APR ay nagkakahulugan ng Annual Percentage Rate of interest. Ito ang halaga that charge to you on top of your full balance kung sakaling hindi mo babayaran ang iyong monthly due date. Siguradong kami na gusto mo ang isang credit card na may mababang APR. Yong ibang mga credit card provider, may mga promos na minsan zero APR during the first few years of your contract sa kanila, pero magbabago din ito sa susunod na mga taon.

3. Kung ikumpara sa iba, ano ang advantage nito?
Magandang idea kung mag convass o maghanap ng mga credit card providers na maaaring makapagbigay sayo ng confortable way of paying your bills. Gusto natin na yong hawak nating card fits to our needs. Minsan ginagamit ba natin ang ating card sa pamimili ng mga big ticket lalo na yong mga concert sa isang kilalang celebrity? Madalas ba akong gumagamit  nito sa pamimili online? Bukod sa interest, kailangan din nating i-consider ang customer service na ibibigay sa atin ng ating card provider. Baka kapa sumabak, dapat mo ding i-research at basahin ang mga reviews tungkol sa company na gusto mong maging part sa kanilang credit card holders.

4. Magkano ba ang annual fee?

Ang annual fee ay depende sa klase ng credit card na iyong ginagamit. Kung gusto mo ang maraming mga promos, perks at mga previliges, be ready to pay higher annual fees. Maraming bank na nagbibigay ng free annual fee on your first year of being their cardholder. Ugaliing basahin ang mga terms and condition na nakasulat sa maliliit letra sa mga papel na pinapadala sa iyo pagkatapos mong ma-approved.

5. Mayron bang rewards program ang credit card ko?
Maraming mga credit cards naging kilala dahil sa rewards program na binibigay nito sa kanilang mga cardholder. Syempre iba pa rin ang pakiramdam kung mayron kang nakukuha pagkatapos mong magbayad o ibayad ang halos lahat ng kita mo sa kanila dahil sa magandang rewards na binibigay nila sa mga guston mag-avail. Lalo na kung ang rewards ay maganda at nagustuhan natin, minsan hindi natin namamalayan na sa sobrang gusto mo sa bagay na iyon, inubos mo na ang lahat ng pera mo para lang makuha. Kailangan ding mag-ingat sa pangungolekta ng mga points para sa inaasam-asam na rewards.

Ang pagkakaroon ng credit card ay may kaakibat na responsibilidad. Kaharapin mo ang iba't-ibang uri ng mga fees at charges, interest rates, due dates at disturbances from the credit card provider. Kung hindi mo magamit ng maayos ang iyong credit card, siguradong magiging sanhi ito ng dagok sa iyong buhay.

Sources: https://www.securitybank.com/blog/

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.