Madali lang kausapin ang taga Moola Lending na hindi ka muna magbabayad. Instead, babayaran mo lang ang interest at e prolong mo na ang iyong loan for another 30 days. Kung binasa nyo yong previous post ko tungkol sa plano ko na e prolong para makatipid sa processing fee kasi hindi ko pa mababayaran ng buo at ihinto ang pagreloan ko sa kanila.
Kung babayaran mo ng buo tapos magreloan ka lang din, balewala lang din dahil mas malulugi ka ng P2,000 para sa 10% processing fee sa P20,000 na reloan. Kapag pipiliin mo ang prolongation, P6,000 lang babayaran mo para sa 30 days interest, hindi kana magbabayad ng P2,000 para sa processing fee pero mayron kang babayaran na P700 para sa prolongation payment. Ang P700 ay hindi mo bayaran kasama sa P6,000 na interest, saka mo na ito babayaran after 30 days. Dahil na refresh ang loan mo for another 30 days, ang magiging babayaran mo sa next due date ay P26,700 kasama na ang P700 na prologation fees.
Kung mapapansin nyo mas nakakatipid ka dahil nakakasave ka ng P1,3000 na para sana sa processing fees. Kaya ang payo ko sa mga nahihirapan magbayad ng buo sa kanilang loan kay Moola Lending tapos magre-reloan lang din, huwag na kayong magbayad ng buo. Babayaran nyo nalang ang interest at yong prolongation fees. Pero siguraduhin nyo na due date after ng inyong 30 days extention, mababayaran ng buo o pwede pa rin na interest at prolongation fee para hindi lolobo ang inyong loan sa kanila.
Halimbawa, after 30 days nais nyo pa rin e extend uli ang inyong loan for another 30 days? Yes pwede, kailangan nyo lang babayaran ang interest at ang prolongation fees. Tulad sa akin P6,000 ang interest sa P20,000 na loan ko plus prolongation fees, so magiging P6,700 ang babayaran ko every 30 days hanggang ihinto ko na ang pag loan sa kanila. Sa ganitong paraan maiiwasan nyo ang P2,000 processing fees every time magreloan kayo.
Ang problema sa mga nanghihirap kay Moola Lending at hindi na nakakabayad dahil hindi nila pinag-aralan ang computation ng kanilang loan. Bukod sa hindi nagbayad ng interest, hindi din nila binabayaran ang prolongation fees.
Kaya pagdating ng 30 days siguradong dodoble ang utang nyo sa Moola Lending. Pero kung palagi nyong binabayaran ang interest at prolongation fees, hindi lalaki ang loan nyo.
Kung kayo ay may problema sa utang nyo kay Moola Lending, comment lang kayo sa baba para masagot ko ang mga katanungan nyo at gawan natin ng paraan para hindi kayo malulunod sa utang dahil lang sa inyong kapabayaan. Wala sa Moola Lending ang problema, mas lalong hindi rin dahilan ang laki ng interest, ang problema nasa inyo.
Hindi nyo tinupad ang pinangako nyo. Pero kung malalim naman ang dahilan bakit hindi nyo mabayaran agad, sundin lang natin ang proseso na sinabi ko sa itaas para hindi lulubo ang utang nyo.
Naguguluhan lang ako sa SMS at yong nasa account ko sa kanila online. Ang SMS na natanggap ko, ang dapat na babayaran ko after 30 days ay P26,500 pero kung titingnan mo yong account mo online ang babayaran ko ay P26,700.
Pero sa tamang computation dapat talaga ang babayaran ay P26,700. Ano kaya ang susundin ko nito pagdating ng bayaran? Pero alam kong tatawag uli ang agent nila 5 days before my due date kaya magtatanong na naman ako para mai-share ko din sa inyo. Baka nagka system error na naman sila kaya magkaiba ang binigay nilang halaga na dapat kong babayaran. Napansin ko din na ang nakalagay sa account ko online ay wala ng due date, NO DUE DATE na ang makikita sa account ko.
Sa mga gustong magloan sa Moola Lending, basahin nyo ang step by step guide sa link na ito: http://bit.ly/2mKV2cp
Sa mga gustong magloan sa Moola Lending, basahin nyo ang step by step guide sa link na ito: http://bit.ly/2mKV2cp
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.