Ang bangko para sa mga Manggagawang Pilipino sa Ibang Bansa (OFW ) ay binuksan noong Enero 18.
Kaugnay ng pangako ng ating Mahal na Pangulong Rodrigo Duterte sa mga manggagawang Pilipino ang Malakanyang ay nagpahayag na ang bangko para sa mga manggagawang Pilipino (OFW’s), ay binuksan sa araw ng Huwebes, Enero 18. Ang ating mahal na Pangulo ang siyang mangunguna sa pagbubukas nito sa Huwebes, Enero 18 sa taong kasalukuyan, ginanap ito sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ni spokesman Roque na “kinikilala ng gobyerno ng Pilipinas ang kontribusyon ng ating mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa, na malaki ang naging bahagi sa paglago ng ating ekonomiya na patuloy nating tinatamasa sa ngayon, kaya naman binibigyang pansin namin ang pangangailangang pinansyal ng ating mga manggagawa sa ibang bansa.
Noong Setyembre 2017, nilagdaan ng ating Pangulong Duterte ang Executive Order (EO) No. 44 na nag-aapruba sa Land Bank of the Philippines ang pagkuha sa Philippine Postal Savings Bank at ma-convert ito sa OFB (Overseas Filipino Bank)
Ang OFB ay ginawa upang matugunan ang mga angkop na pangangailangang pinansyal at remittance ng isang OFW’s.
Ang bangko ay pinamumunuan ng Presidente ng Land Bank.
Ang ibang mga miyembro ng Lupon ng mga director ay ang mga sumusunod:
-Land Bank itinalagang OFW president bilang vice chairperson.
-4 Landbank itinalagang mga direktor o mga opisyal bilang miyembro.
-Ang isang miyembro na kumakatawan sa Kagawaran ng Paggawa at Pagtatrabaho.
-Ang isang miyembro na kumakatawan sa Overseas Workers Welfare Administration.
-Isang pribadong sector na kakatawan sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
Ipinahayag din ni Finance Secretary Carlos Dominguez III noong Disyembre 2016, na bahagi ito ng pagmamay ari ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa. Rappler.com
Kung mayron kayong nakikitang mga Philippine Postal Savings Bank dati sa syudad nyo, ngayon binago na ang pangalan nito. Naging OFB na ito ngayon o Overseas Filipino Bank na ang nakalagay sa signboard nito.
Kaya, inaanyayahan ang mga Kababayan nating OFW sa buong mundo na mag-open ng kanilang sariling account sa OFB para makakuha ng mga benepisyo.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.