Mga kinakailangang gawin upang makakuha ng PWD ID Card.
Nagpatupad ang ating pamahalaan ng magna carta law para sa mga may kapansanan na kumikilala, sumusuporta ng walang pag-aalinlangan para maprotektahan ang kanilang mga karapatan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pribiliheyo at mga benepisyo.
Maraming mga benepisyo ang binibigay sa mga taong may kapansanan (PWD) kasama na rito ang mga iba’t ibang diskwento, tulong sa edukasyon, tax incentives, at marami pang iba. Mababasa ninyo sa ibaba ang pinabagong pamamaraan ng pagproseso ng mga kinakailangan sa pagkuha ng PWD ID Card.
Ang pagkuha ng PWD ID ay libre at walang anumang babayaran, atin ding tandaaan na ang card na ito ay mawawalan ng bisa pagkaraan ng 3 taon kaya kinakailangan itong muling irenew, ang pagrerenew ay may mga kapareho ding dokumento na kailangan mong isumite, subalit kailangan ito ay latest na mga dokumento.
Paano kumuha ng PWD ID Card
Ang nangangalaga o ang mismong aplikante ay maaaring magtungo sa kahit alinmang tanggapan na nakalagay sa ibaba kung saan malapit ang kanilang tirahan.
Office of the Mayor
Office of the Barangay Captain
National Council on Disability Affairs (NCDA) or its regional counterpart
DSWD Offices
Mga kasaling organisasyon na may memorandum of agreements sa kagawaran ng Kalusugan.
Narito ang mga sumusunod na kailangang dokumento
PWD ID Requirements
- Barangay certificate ( na maaaring makuha sa inyong mga Barangay Hall)
- Application form
- Dalawang 1x1 na litrato ng mgataong may kapansanan( para sa booklet ng gamut pra sa diskwento na maaring makuha)
- Ang pagkuha ng clinical abstract at medical certificate ay may lagda ng isang lisensyadong klinika o hospital maging ito man ay pribado o pag mamay-ari ng gobyerno.
- Philippine Registry form Ver.2.0 ang tawag sa application forms para sa mga taong may kapanansan maaari mong idownload ang form na ito sa link na ibibigay sa ibaba
- Sa sandaling maberipika at maaprubahan ang iyong aplikasyon ay kagyat na dadalhin sa Health Officer ng main city o ng inyong municipal health Center, ang inyong health officer ay gagawa ng isang sertipikasyon na nkalagay ang control number at iuupload ito sa Philippine Registry for PWD na maaaring maidownload sa website ng Department of health National office.
- Kailangang dalhin ang naaprubahang form at ang sertipikasyon sa inyong city o municipal Social Welfare Office o sa DSWD o NCDA para sa pag-iisyu ng inyong identification card.
Gaano katagal ang pagproseso ng pagkuha ng PWD ID?
Ang pagkuha nito ay mabilis na, lalo’t kung ang doctor sa inyong health office ay nandoon, kagyat kang bibigyan ng medical certificate, sa loob lamang ng ilang minute makukuha mon a ang iyong PWD ID card,
Mga sumusunod na mga benepisyo ay maaaring maenjoy ng isang PWD:
Mga benepisyo ng taong may kapansanan:
- hindi bababa sa 20% na diskwento ang maaaring ibigay sa isang taong may kapansanan ito ay sa tuwing gagamit sya ng mga pampublikong transportasyon maging ito man ay pampubliko o eksklusibo.
- 20% na diskwento sa lahat ng serbisyo sa mga hotel at kagaya nito, maging sa lahat ng restaurants at maging sa mga recreation centers.
- Minimum na 20% na diskwento sa pagpasok sa mga theaters, mga sinehan, concert hall, mga circus carnibal at mga iba pang kagaya nito .
- Hindi bababa sa 20% na diskwento sa lahat ng mga botika.
- Hindi bababa sa 20% na diskwento sa lahat ng medical at dental na serbisyo kasama na rito (diagnostic at laboratory fees professional fees sa lahat ng pribadong hospital kasama na rin dito ang paggamit ng kanilang medical facilities)
- Hindi bababa ng 20% na diskwento sa mga domestic flight at maging sa dagat na paglalayag.
- Para sa edukasyon na maipagpatuloy ang pag-aaral para sa primarya, sekondarya, tertiary, post tertiary, vocational o maging sa teknikal na aspeto ng pag-aaral maging ito man ay pribado o pampublikong eskwelahan.
- Maaaring maipagpatuloy ang mga benepisyo ng GSIS, SSS at PAG-IBIG ( sa dating pinapasaukan) kung kinakailangan
- Espesyal na mga diskwento (5%) para sa mga special na programa para sa mga taong may kapansanan, para sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan (at ito ay may gabay na galing sa DTI & DA)
- Pagbibigay ng mga express lane para sa mga may kapansanan sa lahat ng mga komersyal at pampublikong establisyemento.
Lubos kaming nagpapasalamat sa ating kaibigan na si Mark Alfonso ng DSWD (Department of Social welfare and Department) para sa pagbibigay ng mga impormasyon at gabay para makatulong na mapadali para sa mga kababayan nating may mga kapansanan.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.