Paano Magbayad Kay Tala Gamit Ang Coins.ph Wallet?

Share:
Para sa akin napaka-convenient ang pagbabayad sa aking Tala loan gamit ang coins.ph wallet. Sa coins.ph hindi mo na kailangan lumabas at pumila pa sa 7-Eleven, Cebuana Lhuillier at sa iba pang bayad center. 

Minsan kasi sobrang busy at mahaba pa ang pila. Simula sa 2nd loan ko hanggang ngayon na 11th loan ko na, tanging si Coins.ph lang talaga ang kaagapay ko panahon ng bayaran sa aking Tala loan. Sa mga hindi pa alam ang coins.ph paki-basa sa aming guide sa link na ito: http://bit.ly/CoinsKnowIt


Para makapasok sa inyong Tala account, kailangan mong i-key in ang inyong 4 digit PIN code. Hindi kayo makakapasok sa account nyo kung wala ang PIN na ito. Kaya laging tandaan ang inyong PIN para hindi magkakaproblema sa oras ng bayaran at sa pag-reloan.

Sa iyong Tala account, makikita sa bandang itaas ang total balance mo. Pwede mong bayaran ng buo ito para makaka-reloan kayo o staggered kung hindi nyo naman kayang bayaran lahat. Paki-pindut ang MAKE A PAYMENT.  






Pagka-pindut mo ng MAKE A PAYMENT, lalabas yong BLANK na paglalagyan mo ng amount na kaya mong bayaran. Kung sakaling kaya mo naman bayaran ng buo ang loan mo, enter the whole or full amount sa blangkong guhit na makikita sa larawan.


Pagkalagay nyo ng amount, pindutin nyo ang SUBMIT PAYMENT, para makakatanggap kayo ng SMS sa number na naka-link sa Tala account nyo. Ang reference na iyon ay pwede nyong babayaran sa 7-Eleven, Cebuana Lhuillier, M.Lhuillier or sa Coins.ph







Pagka-PINDUT nyo ng SUBMIT PAYMENT. Mayrong mag pop-up na maliit na window na mayrong mababasang COMPLETE PAYMENT.



"You will receive an SMS from our partner Coins.ph. Click the link to finish your payment using 7-Eleven, Cebuana, M.Lhuillier or Coins.ph"
 Sa inyong cellphone, makakatanggap kayo ng SMS na naglalaman ng payment request galing kay Tala through Coins.ph. Nakalagay ang amount request at yong link na magtutuloy sa iyo para mabayaran mo ito gamit ang iyong Coins.ph wallet.



Kung gusto mo naman sa 7-Eleven bayaran, may kasama din itong reference number na ibibigay mo sa cashier para magawa nila ang inyong transaction.

Ang link na kasama sa SMS, kapag pinindut mo, ikaw ay pupunta sa browser or sa Coins.ph app para bayaran mo na ito.


 Kung gusto mong ituloy ang pagbabayad, choose PAY, pero kapag ayaw mong ituloy, paki-pindut ang DECLINE.
Kapag ituloy mo ang pagbabayad at napindut mo na ang PAY - ikaw ay papipiliin kung saan mo kukunin ang pambabayad mo. Pwedeng sa PHP Wallet, converted ito sa Peso currency or sa BTC Wallet, ito ay in dollar currency.

Makikita mo rin dito ang total Coins.ph wallet balance mo. Malalaman mo kung kasya ba ito sa pambabayad ng inyong loan kay Tala.

Kung ALL details ay tama, be ready to SLIDE the > ARROW BUTTON. Slide mo lang ito pa-KANAN, tuloy na ang inyong pagbabayad.

Siguraduhing nasundan nyo ng tama ang proseso dahil once transferred na ang funds or pera, hindi na ito pwedeng ma reverse o ibalik kung sakaling nagkamali. Kaya doble ingat sa pagbabayad gamit ang coins.

Mabilis nga ang prosesong ito kaso kailangan mag-ingat para hindi mabulilyaso.




Kapag successful ang pagbabayad mo sa Coins, mababasa mo ang parehong mensahe sa larawan na pinakita namin dito.

Ang iyong cellphone number ay makakatanggap din ng SMS na naglalaman na BAYAD na ang Tala loan mo. May kaparehong reference number ito tulad sa nababasa mo sa Coins app pagkatapos mong bayaran.

ILANG SIGUNDO lang, updated na ang Tala app mo. Pinakamatagal kung normal ang takbo ng system ni Coins at Tala, wala pang isang minuto papasok na ang bayad mo kay Tala.


KAPAG FULLY PAID NA ANG LOAN MO, pwede kanang mag-APPLY ng loan uli. PINDUTIN MO LANG ANG "APPLY NOW", tuloy-tuloy na ang next reloan mo sa kanila.


Sa mga hindi pa nakaka-loan kay Tala, pwede nyong subukan. Huwag kalimutan ang aming reference code na: ALD86C

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.