Inaakala ng karamihan na ito'y simpleng mga salita ang pagiging RESPONSIBLE BORROWERS pero may kaakibat itong malalim na kahulugan lalo na sa mga taong hindi isinapuso ang responsibilidad bilang isang mangungutang. Maraming lending companies na gusto talagang pautang ang lahat na gustong umutang. Okay lang sana kung ang lahat ay magbabayad pero sa kasamaang palang, halos 60% sa mga nangungutang ay hindi kayang gampanan ang mga sinumpaan noong panahon ng kanilang pangangailangan.
Kung marunong lang sana ang lahat tumanaw ng utang na loob, hindi sana magkakaproblema at hindi sana maghihigpit ang mga lending companies ng mga basehan para ang isang individual ay pumasa sa kanilang panuntunan. Noong una napakadali lang umutang pero dahil sa mga tinatawag na BAD DEBTS, mas pinahihigpitan na nila ang mga kailangan para masasabing pasado ka sa iyong loan application.
Kung dati nakikinig ang mga lending companies sa mga pakiusap ng mga borrowers, ngayon nag-iba pa. Karamihan sa mga lending companies, matitigas na talaga at hindi na nagbibigay ng mga palugit o grace period para lang makakabayad pa. Kaya para sa kanila, tinaasan na nila ang interest sa mga client para kung sakaling hindi magbabayad after sa pagbabayad ng ilang bayaran, hindi na sila masyadong lugi. Tayo lang din ang dahilan kung bakit nagkaganito ang pagpatakbo ng mga lending companies sa kanilang mga loan services.
Naging kawawa ang mga mababait at yong hindi marunong tumalikod ng kanilang mga utang. Hinigpitan na sila, pinalakihan din ang interest sa kanilang inutang na pera. Yong kamalian ng Pedro, si Juan ngayon ang nagsa-suffer. Kaya dapat talaga ang bawat isa ay magiging responsible borrowers para lahat masaya. Hindi lang ang umutang pati din ang mga kompanya na nagpapautang. Bago kayo umutang dapat tanungin nyo muna ang iyong sarili ng ganito:
Kailangan ko ba talagang umutang ngayon?
Ang pangungutang sa mga lending company o sa individual ay makakatulong sa iyo lalo na kung badly needed mo ito. Pero sa situation na iyon, naisipan ba natin kung kaya ba nating bayaran ang ating utang pagdating ng bayaran o due date? O baka naman kasama tayo sa mga taong irresponsibleng mga tao na matapos gamitin ang pera nakakalimutan na agad kung ano ang ipinangako nya sa taong inutangan nya. Oo kailangan nating umutang pero dapat nating isipin na kapag nakautang kana, sa ayaw o sa gusto mo dapat pagdating ng bayaran, babayaran mo talaga ito kahit anong mangyayari. Humanap ka ng paraan para mabayaran ito. O di kaya, pagkatanggap mo sa pera kailangan, gumawa ka ng paraan paano mo mabayaran ang inutang mo. Marami namang paraan na mabayaran mo ito.
Halimbawa, kung wala kang trabaho tapos may utang ka. Pwede kang mag sideline o mag part time kahit maliit lang ang sahod para lang makaipon ang mabayaran ang inutang mo. Pwede ring, magbinta ka ng banana Q sa bakuran mo o di kaya'y magbinta ng barbeque (BBQ) sa mga kapitabahay para lang gumalaw ang pera na inutang mo at pagdating ng bayaran may maiabot ka sa inutang mo. Huwag ugaliin na pagdating ng bayaran, ni peso wala kang maiabot. Sa palagay mo matatawag kang responsible borrowers nyan? Syempre hindi.
Dapat you consider a situation na pwede kang umutang kapag kailangan ipaayos ang bahay dahil masisira na ito, tuition fee ng mga anak o kailangan mo ng budget para sa pagkain nyo ng iyong pamilya. Ito'y kailangan talaga ng immediate attention para makaka survive. Pero kung hindi naman kailangan na ipapaayos ang bahay, eh huwag muna gawin ipagpaliban muna baka pwede pang pag-iponan. Maliban nalang kung nasalanta ng bagyo o iba pang calamity na hindi kayo comfortable sa ngayon tumira dahil sobrang sira na ito.
Pero kung umutang ka lang para pambili mo ng mga gamit sa bahay o luho mo or umutang ka dahil kailangan mo ng bonggang birthday party ang anak mo, aba! hindi magandang idea yon. Pwede naman gawin simple basta lahat masaya. Sa panahon ngayon, maging practical na tayo. Huwag ugaliin na maging isang araw masaya pero buong buwan at taon ang pamilya NGANGA. Aanhin mo ang magandang compliments ng kapitbahay at kaibigan kung malayo naman ito sa katutuhanan. Hindi sila ang magdurusa sa buong buwan o taon dahil lang umutang kayo para ipakain sa kanila.
Isiping mabuti ang mga bagay-bagay bago mag desisyon na umutang para hindi kayo magkakaproblema. Dapat ding isipin na hindi ikaw o isang tao lang ang magsakripisyo kung may mga hindi magandang mangyayari dahil sa pangungutang mo. Alagaan ang reputasyon natin, hindi para sa atin kundi para sa mga anak natin o sa iba pa nating mahal sa buhay. Huwag natin itong sirain dahil lang sa hindi tayo nagbabayad ng utang. Kung hindi ka mahihiya, dapat tanungin mo ang iyong sarili "kaya bang tanggapin ng mga anak ko na pagsabihan akong hindi marunong magbayad ng utang?
Kaya bilang ulo o membro ng pamilya na humahawak sa mga gastusin, kailangan mong isiping mabuti ang mga hakbang na gagawin mo para sa ikatatahimik ng lahat. Huwag umutang para lang mapuna lang ng kapitbahay o kaibigan na mayaman o may kaya pero sa totoo pala ay kabaliktaran. Mamuhay ng simple basta sama-sama, masaya at walang problema. Maging kontento sa kung anong meron huwag masilaw o maiingit sa mga kapitbahay na may kaya dahil hindi nyo din alam baka nangungutang lang di sila at nagkakaproblema na din kung paano babayaran ang utang nila. KAYA BE A RESPONSIBLE BORROWERS.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.