Paano Maiiwasan ang Patong-patong na Interest ng Iyong Loan?

Share:
Ang daming sumbong na natanggap namin, kaya dapat talaga mararanasan ko rin ang dahilan kung bakit nagka ganyan ang mga pangyayari at bakit umabot sa hindi magandang ending. Pag-aralan natin ang simula kung bakit humantong sa masamang pangyayari. Upang makuha ko ang puno't dulo, gagawin ko din kung ano ang ginagawa ng mga umutang, para malalaman ko kung bakit nagkaproblema sa bandang huli.

Every lending companies, may kanya-kanyang alintuntunin o mga terms and conditions para sa kani-kanilang client. Bago paman maibigay ang pera na inutang natin, tayo mismo ang pumayag o nag-agree sa kanilang mga conditions. Kapag may utang, siguradong mayron itong processing fees, interest at siguro insurance din, kapag malakihan mayron na itong mga documentary fees at kung ano pang fees.

Pag-usapan natin ang INTEREST.
Ang daming reklamo dahil ang laki ng interest na pinapatupad ng ibang lending. Oo mayron talagang ganun. Pero tulad ng sinabi ko, nag-agree kayo bago maibigay sa iyo ang pera na inutang mo kasi kung umayaw kayo, hindi rin nila ibibigay sayo ang pera. Sa totoo lang kaya naman bayaran ang interest, ang hindi lang kaya kapag ito'y patong-patong na. Yong principal at yong interest nanganganak na din. Tapos dahil hindi sumunod sa usapan, may penalty na din na idinagdag.

Ang rason kung bakit nalubog ang lahat sa utang ay dahil sa patong-patong na interest ng mga lending companies. Although, hindi naman lahat pero karamihan ng lending companies, ganun ang ginagawa. Kaya paano ba maiiwasan para hindi humantong sa worst o sad ending ang pangungutang online?

PAY THE INTEREST
Bayaran ang mga interest na kailangang bayaran para hindi ito mag-interest na naman. Marami ang hindi nagbayad ng kanilang utang dahil kulang ang kanilang perang pambayad, o tanging hawak lang nila ay sakto lang para sa interest. Ang ginawa hindi binabayaran ang interest, ang masaklap natapos ang due date wala man lang kasiguraduhan kong magbabayad kaba o hindi. ILAGAY NYO DIN ang sarili nyo sa lugar nila? Karamihan sa mga online lending obligasyon nila sa company ang mga amount dues na hindi nabayaran. Ang iba diyan, binabawas sa kanilang sahod o sa kanilang incentives. Dapat din nating isipin na hindi sa atin ang pera na ginamit natin, obligasyon natin itong ibalik based po doon sa agreement na pinagkakasunduan ninyo at ng company.

Sinubukan ko ang LOAN EXTENSION ng Moola Lending at Cashwagon dahil marami silang reklamo na nangha-harass ng mga client. Palagay ko totoo talaga na mayrong ganong pangyayari. Malamang napuno na din ang agent kung bakit nagsasabi sila ng ganun. Sa palagay ko hindi rin tama yong pangha-harass nila. Dahil mas lalo lang nilang pinapa-lala ang sitwasyon at talagang hindi na magbabayad ang mga umutang dahil sa panghihiya nila. Pero ang ko rin alam baka, last option na nila ito kaya nagbibitaw na sila ng hindi magandang salita. Balewala na sa kanila kung magbabayad kayo o hindi.

Ngayon ang tanong, kaya nyo bang kalimutan ang isang bagay kinuha nyo galing sa iba na alam mo may obligasyon kang ibalilk ito sa kanila? Mayron iba nagkataon lang na mayron dapat mas unahing bayaran, ang iba naman nagka emergency kaya napunta doon ang pambayad. Pero napasin ko, hindi talaga ito ang tunay na dahilan sa majority. Marami ang sinadya talagang umutang na sa umpisa palang hindi na iniisip ang kanilang obligasyon na ito ay bayaran. Wala akong magagawa dahil desisyon nila yon, pero lagi nating tandaan "Kung ano ang ating itinanim, yon din ang ating aanihin". 

Sa ayaw at sa gusto mo, babalik dito ito sayo. Sabi pa nila matakot kayo sa karma, pero ako hindi ako naniniwala sa karma pero naniniwala talaga ako doon sa katagang kung ano ang iyong itinanim. Kung ayaw nyong anihin ang tulad sa sinabi ko, kung hindi nyo magawang bayaran ng buo, magbayad kayo kahit pakunti-kunti. Pumayag man sila o hindi, at least nag-effort kayong magbayad. Sa ganitong paraan mararamdaman nila kayo at hindi nila pagsasabihan ng mga kung anu-anong masamang salita.

Sinubukan ko ang loan extension ng Moola Lending. Ang binayaran ko sa aking loan na P20,000 na maging P26,000 after 30 days, sinadya kong bayaran ang P6,000 lang. Ibig sabihin interest lang binayaran ko. Dahil may prolongation fee ang Moola Lending na P700 dahil hindi ko binayaran ng buo ang loan, so it's okay for me dahil ako ang pumili na hindi muna babayaran. After paying P6,000 automatic extended na yong loan ko for another 30 days. Ang babayaran ko sa araw na aking due date after 30 days ay P26,000 plus P700 para sa prologation fee. Kung napansin nyo, hindi lumubo ang loan ko maliban sa P700 na para penalty nila.


Kaya hindi ako naniniwala na patong-patong ang interest ni Moola Lending kung ginagampanan natin ang ating obligasyon na tayo'y umutang. Itanim natin sa ating isip na hindi sa atin ang pera na ginamit natin, we knew na nakakatulong iyon sa iyo nong hiniram mo ito kaya obligasyon mong ibalik sa kanila. Sakaling hindi mo kaya pang ibalik sa kanila, bayaran mo nalang muna ang interest. Hindi ako agree sa rason ng karamihan walang magagawa para makapagbayad. YES TAMA KAYO! Kung naka mindset kayo na wala na talaga kayong magagawa, pero remember habang may buhay may pag-asa. With the help of your prayer and action, you will find the answer of your prayer at sure akong makakabayad kayo. KUNG MAY WILLIINGNESS KAYO TO PAY, sure akong mababayaran nyo pero kung wala sure akong NOTHING WILL HAPPEN. Dahil kayo mismo hinayaan nyo na mangyari ang isang bagay na wala man lang kayong ginawa. Kung wala talaga, at least nag pray kayo. Hindi natin alam touch others heart para matulongan kayo at malay natin bigla nalang pumayad ang lending company sa hinihingi nyong palugit. Kung wala kang ginawa, wala talagang magyayari sayo.

Sinubukan ko rin ang Cashwagon. Instead na bayaran ng buo, pinili kung bayaran ang interest nito na P2,800 sa aking pincipal loan na P7,000. Dapat ang babayaran ko kahapon ay P9,800. Pero I choose to pay P2,800 ang interest ng aking inutang sa kanila. Ang kagandahan kay Cashwagon, wala silang prolong o prolongation fee. After kung bayaran ang aking interest kahapon na P2,800. Automatic na extend to another 30 days ang aking loan. Ibig sabihin, ang babayaran ko after 30 days ay pareho pa rin nong last month P9,800. 

TIPS!
Kung nahihirapan kayong magbayad kay Moola Lending dahil sa laki ng interest, habang wala pa kayong pambayad ng buo siguraduhin nyo na mabayaran ang interest. Madali lang mabayad, gamitin nyo lang ang PAREHONG REFERENCE number tapos ang amount, piliin nyo ang amount ng interest. Kapag may extra pa kayo, idagdag nyo, mababawas yon sa principal amount kaya hindi na lalaki pa ang loan nyo tulad sa unang amount na inutang nyo. 

UGALIING MAGBAYAD ng INTEREST para hindi magpatong-patong ang inyong utang sa kahit anong lending companies. Alam namin hindi lahat ng panahon magkapareho, minsan nasa down situation tayo pero at least in our own little way na gustong bayaran ang ating utang magagawa natin. Huwag magpabaya, dahil babalik dito ito sayo sa bandang huli. Kung ayaw nyong makakaramdam ng inconveniece sa kamay ng inyong inuutangan, gawin nyo rin ang inyong part para makikita din nila na nag effort din kayo. KARAMIHAN kasi sa atin ngayon tamad mag effort, kahit nga sa simpleng pagbabasa dito sa USAPANG PERA hindi pa magawa. Kaya ayon tuloy, inulan ng tawag at panghaharass ng mga agent na para ding walang mga kaluluwa. Dapat din sa mga lending companies, ilalagay nila sa mga CS o customer service yong mga malawag ang pag-iisip at mahaba ang pasensya para hindi magkakaproblema.

4 comments:

  1. Very gud advice po..tma po yang mga messages nyo..pggz2 my paraan pgayw my dahilan..hnd nman bzta2 maka2utang kung wla munang xplanation pnu ang bayaran pgnakahram n..salute

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang ugali kasi ng karamihan, saka na magreklamo kapag hindi na makakabayad. Pero noon ibibigay pa lang ang pera na inutang, puro agree at oo ang maririnig. Sobrang excited lang ba kung kaya hindi nakakapag-isip ng maayos kung ano ang magiging responsibilidad mo pagdating ng bayaran. Kaya dapat mag-isip tayo ng mabuti para hindi magkakaproblema sa bandang huli.

      Delete
  2. Eto ang matagal ko ng hinhintay na basahin mula sa inyo at lubos akong nagpapasalamat dahil sa inyong online Guide ay magagawan ko ng paraan para Hindi lumaki ang aking utang sa isang online company lending..MARAMING SALAMAT PO ULIT..at sana hindi po kayo magsawa na magbigay ng mga guide online..God bless po..online lian guide..😇😇😇

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po sa inyong pag appreciate sa nagawa namin dito sa USAPANG PERA. Makakasiguro po kayo na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang kayo at kung sino pa ang nagbabasa dito na magabayan lalo na sa pangangailangan ng pera at mabigyan ng awareness ng mga hindi magandang desisyon lalo na sa pangungutang.

      Delete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.