Hindi na rin mabilang ang nag-message sa amin though facebook messenger, USAPANG PERA chatbox at pati comments sa facebook group natin ay hindi pinalampas. Marami ang hindi alam kung paano kausapin ang Tala Philippines. Mula umpisa ng ating first loan hanggang matapos at nakuha na natin ang pera, hindi talaga sila tumatawag.
Wala sa proseso ni Tala na tatawagan ang applicant para i-verify kung totoong tao ito at karapatdapat ba itong aprobahan sa kanyang loan application. Nag-iisa ang Tala sa lahat ng online lending apps. I remember sa sinabi ng Founder at CEO ng Tala worldwide na ang loan ay mag-uumpisa sa TIWALA o TRUST. Oo nga naman, kung wala ka talagang tiwala mahihirapan kang kaibiganin ang isa tao.

Kapag pinindut mo ito, makikita mo sa loob ang FREQUENTLY ASKED QUESTIONS. May mga katanungan sa ibaba at kalakip nito ay ang mga kasagutan din na mababasa. Pero sa bandang ibaba, may nakalagay "HAVE A QUESTION ABOUT SOMETHING ELSE? MESSAGE US HERE". Ang tinutukoy nito ay yong mga katanungan na wala sa nakalista ay pwedeng ipaabot sa kanila through that button.

Antayin lamang na mabasa ito ng kanilang agent para mareplyan nila. Hindi real time and reply ng Tala. Kadalasan kinabukasan na ito mababasa at mare-replayan ng Tala dahil sa daming message na nakapila sa system nila.

Kung gusto nyong i-extend ang inyong loan sa kanila, pwede kayong makiusap, sa Tala app messenger man o sa pamamagitan ng pagpadala nyo ng SMS. Nakakaintindi si Tala sa atin. Kaya huwag mahiyang makiusap. Hindi nanghaharass ang Tala, at mas lalong hindi sila tumatawag sa mga contacts mo habang kaya pa nilang tiisihin ang katigasan ng ulo mo. Kaya dapat ding maging responsible borrowers tayo.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.