Friday, August 24, 2018

Paano Makontak ang Tala Philippines?

Hindi na rin mabilang ang nag-message sa amin though facebook messenger, USAPANG PERA chatbox at pati comments sa facebook group natin ay hindi pinalampas. Marami ang  hindi alam kung paano kausapin ang Tala Philippines. Mula umpisa ng ating first loan hanggang matapos at nakuha na natin ang pera, hindi talaga sila tumatawag.

Wala sa proseso ni Tala na tatawagan ang applicant para i-verify kung totoong tao ito at karapatdapat ba itong aprobahan sa kanyang loan application. Nag-iisa ang Tala sa lahat ng online lending apps. I remember sa sinabi ng Founder at CEO ng Tala worldwide na ang loan ay mag-uumpisa sa TIWALA o TRUST. Oo nga naman, kung wala ka talagang tiwala mahihirapan kang kaibiganin ang isa tao.

May dalawang paraan para makausap natin o ninyo ang Tala Philippines. Una, through their Mobile App. Sa bandang ibaba ng Tala app, may nakalagay doon o mababasa natin ang "VIEW FAQs or SEND US A MESSAGE."

Kapag pinindut mo ito, makikita mo sa loob ang FREQUENTLY ASKED QUESTIONS. May mga katanungan sa ibaba at kalakip nito ay ang mga kasagutan din na mababasa. Pero sa bandang ibaba, may nakalagay "HAVE A QUESTION ABOUT SOMETHING ELSE? MESSAGE US HERE". Ang tinutukoy nito ay yong mga katanungan na wala sa nakalista ay pwedeng ipaabot sa kanila through that button.

Once napindut mo na ang button na yon, may lalabas na button kulay ORANGE at ang nakasulat MESSAGE US. Kapag napindut nyo na, makakapasok ka sa MY TICKETS. Mapapansin mo sa isang sulok sa itaas bandang kanan ang + sign. Pindutin nyo ang button na yon at makakapasok ka sa CONTACT US. Sa page na ito, pwede ka nang mag compose ng inyong mensahe para sa Tala. Kung mayron kang attachment pwede mo ring isama, pindutin mo lang ang hugis clip sa itaas bandang kanan. Kapag natapos na ang inyong mensahe, pindutin ang pa-kanan na arrow para maipadala sa system nila ang inyong mensahe para sa Tala.

Antayin lamang na mabasa ito ng kanilang agent para mareplyan nila. Hindi real time and reply ng Tala. Kadalasan kinabukasan na ito mababasa at mare-replayan ng Tala dahil sa daming message na nakapila sa system nila.

Ang pangalawa naman ay through SMS. Kapag approved na ang loan mo mayron ka agad na matatanggap ng SMS mula sa official number ng Tala Philippines. ang OFFICIAL TALA NUMBER PARA SA SMS AY: (02) 158 5280. Ito ang way of communication ni Tala sayo habang mayron kapang utang sa kanila. Laging tandaan, hindi natawag si Tala hangga't makikita nila na may plano kapang bayaran. May tiwala ang Tala sa atin na magbabayad talaga tayo, nagkataon lang na nagipit. Pero huwag nyo naman patagalin, huwag nyong ubusin ang pasensya ng mga collecting agents nila baka dadalawin ka nalang sa bahay mo. Pero so far, wala pa namang napabalitang may pinuntahan ni Tala sa bahay.

Kung gusto nyong i-extend ang inyong loan sa kanila, pwede kayong makiusap, sa Tala app messenger man o sa pamamagitan ng pagpadala nyo ng SMS. Nakakaintindi si Tala sa atin. Kaya huwag mahiyang makiusap. Hindi nanghaharass ang Tala, at mas lalong hindi sila tumatawag sa mga contacts mo habang kaya pa nilang tiisihin ang katigasan ng ulo mo. Kaya dapat ding maging responsible borrowers tayo.


No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.