Tuesday, August 07, 2018

Paano Nabago ng Teknolohiya ang Sistema ng Pagbabangko.

Ang industriya ng pagbabangko ay mabilis na umusbong dito sa atin bansa.
   Karamihan sa atin ay lumipat na sa sistema ng online banking, na hindi natin lubos maisip na  mapapalitan ng mga computer at mobile screens ang dating mga ahente at teller na karaniwan na ating nakikita sa loob ng bangko, at kinakailangan pa nating magtungo sa kanilang mga sangay upang makipagtransaksyon  at kadalasan ay kumukunsumo  ng mahabang oras, subalit ngayon ay hindi na.

   Kung saan man tayo nakarating sa ngayon ito ay dahil na rin sa malaking naitulong ng BPI sa atin. Dahil sa mabilis na pag-usad  ng teknolohiya lahat ay nabago kabilang na dito ang sistema ng pagbabangko . Ang BPI ang  syang pangunahing bangko na bumuo ng 24/7 atm banking dito sa tin noong 1983, na pinapayagan ang sinuman na may otoridad na kumuha ng pera sa kahit na anung oras at kahit saang lugar, sa kahit anung panahon, kasunod nito ang paglulunsad ng BPI ng BPI express online na ma-access ang inyong account sa pamamagitan ng web ito ay noong 1999 naman. At dahil sa pinagtuunan ng  mahabang hakbang ng pag-aaral gamit ang electronic channels nabuo ang BPI’s mobile App na unang ipinakilala noong 2009.


   At dahil sa layunin na mapaganda pa ang kanilang serbisyo, naglabas sila kamakailan lang ng mas pinabagong mobile app at website na mas madaling gamitin at may mga karagdagang security features. At kaugnay rin nito nagdagdag sila ng mga impormasyon na kung saan mas madaling maintindihan ng kanilang mga kliyente. Sa ngayon umaabot na sa 36% ang mga kliyente ng BPI na gumagamit nito.

   Subalit sa kagustuhan ng BPI na maging mas magaan sa kanilang mga kliyente ang mga bagay-bagay nabuo nila ang konsepto ng Cash Accept Machine o CAMs  na dito ay tumatanggap ng credit deposit to accounts in real time, ito ay kanilang inilagay estratihikong at magandang lugar sa buong bansa. Isipin na lang natin na ang mga ATM ay tumatanggap ng deposito at hindi na kailangan pang pumila ng mahaba. Ang kinakailangan lang kapag magdedeposito sa CAMs ay buong p100, p500 at p1000. At sa kasalukuyan mayroong 750 na CAMs sa buong kalupaan.


   At dahil sa gamundong pasanin ng bawat isang customer sa hirap ng pakikipagtransakyon sa bawat sa sangay ng bangko binuo ang ganitong sistema upang mapadali ang lahat ng ayon sa takbo at bilis ng pag-unlad ng teknolohiya. katunayan hindi na nga natin kailangan pang pumunta at pumila sa kahit anong sangay ng banko. Ang mga bangkong kagaya ng BPI ay gumagawa ng mga paraan upang maging madali sa kanilang mga customer ang lahat ng transaksyon. Maging ito man ay sa pagwiwidro, pagtatanong ng account balance, bills payments, online banking, at pag-eenroll sa mobile app. 

Source: https://www.unbox.ph/

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.