Pera Agad -5TH Loan DECLINED

Share:
Nabayaran ko na ang aking pang-apat na loan sa Pera Agad nong nakaraang araw. Dahil delayed palagi ang posting ng aking bayad kapag Smartmoney ang ginagamit ko kaya, hindi ko na pinansin o inaantay pa ang text ni Pera Agad na bayad na ang loan ko. Dumaan ang hating gabi wala pa ring update sa aking Pera Agad account, naka pending pa rin ito sa aking existing loan. Madaling araw nagising ako at dinaanan ko uli ang aking Pera Agad account. Nakita ko updated na kaya sinubukan kong magreloan pero doon sa website ng Pera Agad, hindi ito nagana ng maayos. Palagi itong nagttxt sakin na INVALID COMBINATION raw.

Sinubukan kong gawin ang loan sa cellphone, through text format. Yon naman ang lagi kung ginagawa, gusto ko lang masubukan kong pwede sa kanilang website ang reloan pero based doon sa naranasan ko, hindi pwede sa website ang reloan. Gumagana lang ito sa mga first timer.

Ang text format para sa reloan ay LOAN <AMOUNT> <TERM> <DIGITAL PIN OR DPIN> at i-send sa 2423.

Sinunod ko yong format na iyo, I type LOAN 10000 12 WEEKS 9780000000 at I send it sa 2423.

Nagreply ang system ng ganito:

Loan Releasing Options:
Perahub. Please reply with the desired loan release option. Ex. Claim Perahub and send to 2423.


Ang ipinagtataka ko, nawala na ang Smart Padala sa kanilang option na dati dalawa ang maaaring pagpipilian. Dahil walang Perahub na malapit sa akin, kaya hindi ko sinusunod. Ang nilagay ko ay ito CLAIM SMARTPADALA tapos send to 2423. Hindi na acknowledge ng system, dahil nagtext na naman ito ng Loan Releasing Options. Tatlong beses ko inulit pero sa pangalawang reply ito na ang mbabasa:

SMART prepaid & TNT subs pwd na mg-loan ng P10K cash, No Collateral! Interesado? Txt back OO now! By txting OO, u provide consent to share ur personal data w/ CC Mobile Financial Services PH Inc. Ang pag-apply at pag-proseso ng PeraAgad application ay wala pong bayad. For T&C, visit https://goo.gl/qhCzh3

Tapos may biglang sumunod na text:

You have been rejected for a loan because you did not meet the criteria of Pera Agad. Keep on using SMART and try again after 3 months.

Kaya inulit ko ito, sa pagkakataong ito ang nilagay ko CLAIM PERAHUB tapos send to 2423.

Ang reply ng system REJECTED na daw ako. Well, para sa akin buti na yong ni-reject nila kay sa naman papahanapin nila ako ng Perahub branch na napakalayo sa lugar ko. Mukhang may problema ang Pera Agad at ang Smart Padala dahil din siguro sa mabagal na pagri-remit ng Smart Padala sa mga payment ng Pera Agad. 

Napansin ko din sa system nila na magulo. Dapat kung rejected ang reloan mo, sa umpisa palang o sa first text na pinadala mo sa system, magri-reply na sila na DECLINED. Hindi na dapat ipaabot pa sa LOAN RELEASING OPTION. Anong silbi sa pagtxt mo ng releasing option kong mari-reject ka. Nawindang na rin ang Pera Agad -baka marami ng hindi nagbabayad.

Marami na din kasing bayad center ngayon na tumatanggap ng Pera Agad payments, ang kagandahan walang P5 fee tulad kay Smart Padala na nanghihingi pa ng charge. Kung ang Smart Padala after 24 hours or more pa bago mabigay kay Pera Agad ang binayad ng client, sa mga bayad center ngayon as early as 3 hours maipapadala na kay Pera Agad ang mga bayad. 

I am talking about Truemoney, na napakabilis ang posting ng Pera Agad payment. After 3-5 hours pwede ka ng mag reloan. Pero kung Smart Padala idadaan ang bayad, after 24 hours ang posting at saka pa kayo pwede mag-reloan.

Malamang ito ang dahilan sa pagkawala ng Smart Padala sa disbursement option ng Pera Agad.Kung dati madalas tumawag ang Pera Agad, ngayon mukhang tinanggal na nila ang mga bastos na agent na hindi marunong makikipag-usap ng matino sa mga client. 

Gumagamit na sila ngayon ng voice record baka natatakot ang mga agent na masigawan dahil sa kabastusan nila at wala sa oras kung tumwag. Ang panging ng Pera Agad, niri-reject nila ang loan terms na 4 weeks to 7 weeks. Maliit lang kasi ang kikitain nila sa interest. Pero kung matagal ang pagbabayad mo ng monthly, lalaki ang interest at si SMART naman, tiba-tiba dahil P5 pero transaction ang mapupunta sa kanya.

GOODBYE PERA AGAD.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.