Natandaan nyo nong nakaraan na binatikos ko ng mabuti ang Pera Agad dahil sa palpak nilang loan format lalo na sa pag-apply ng reloan. Wala akong hinanakit sa kanila dahil na declined ang reloan ko. Ang kinaiinisan ko lang ang araw-araw nilang pagtawag tapos kung tanungin mo, wala naman ibang dahilan kundi ang idadahilan ay tungkol doon sa maling format na nereklamo ko.
Loan Closed na tayo PERA AGAD pero bakit kayo nanggugulo. OK sana kung may utang pa ako sa inyo pero wala na. Nong unang tumawag sila, nasa meeting ako -ang kukulit, tawag ng tawag kaya sinagot ko. At tinanong kung bakit tumawag, ang sagot sakin tungkol daw sa wrong format. Kung ako naka MOVE ON na tungkol sa maling format ninyo pero kayo mukhang hindi pa kayang mag-move on.
Katatanggap ko lang ng tawag mula sa may last 4-digit na 2423. Sa number palang kabisado ko dahil naka-apat na loan na ako sa kanila. Walang kasi kulet ang Pera Agad, sa mga hindi pa alam ang buong storya ko tungkol Pera Agad, search nyo dito sa USAPANG PERA.PH ang mga lumang post kong tungkol sa bad experience ko sa kanila.
Malalaman nyo.sa mga old post namin na hindi maganda ang Pera Agad. Bukod sa mga bastos na agent, dami pang panahon na tatawagan kayo kahit hindi pa due date mo. Iba pa yong voice recording na tatawag sayo. 3 days bago ang due date mo tatawag na yan sila hanggang sa due date mo, hindi sila hihinto sa kakatawag sa araw ng due mo bago magabi tatawag pa rin yan sila tatanungin ka kung bakit hindi kapa nagbabayad.
Ang hirap pa magSUBMIT ng mga requirements lalo na kung mahina ang internet mo at cellphone lang gamit mo sa pag-upload ng mga requirements. Uubusin ang oras po sa paulit-ulit na pag-aapload. Mahirap mag-apply sa internet, mas lalong mahirap mag-apply sa selected Smart Padala center at Perahub na sinasabi nila.
Kaya kung ako sa inyo, huwag nyo ng pahirapan ang sarili nyong mag-apply sa kanila. Marami kayong magiging experience sa Pera Agad, at karamihan bad experience. Mauubos ang pasensya nyo simula palang ng loan application, pag-upload ng documents, at the worst thing ang walang pakundangang tawag para i-remind kayo na magbayad sa tamang oras.
Kung mainitin ulo nyo at walang pasensya huwag na kayong sumubok pa sa Pera Agad. Kumunti na rin ang client nila simula nong dumami ang bad feedbacks mula sa kanilang mga client. Mahirap mag-apply lalo na kung hindi ka pre-approved sa cell number na ginamit mo. Kaya payo namin sa inyo, subukan nyo nalang ang ibang mga online lending app mas madali at hindi tulad sa Pera Agad ang magiging experience nyo. Kudos sa mga nakaka-reloan pa at may utang sa kanila. Kung ako sa inyo magbasa kayo dito SUAPANG PERA.PH, para marami kayong pwedeng aaplayan na mas di hamak maganda pa kompara sa kanila.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.