Pera Agad -BULOK na SYstema Tataposin Na

Share:
Nakasanayan ko ng matulog tuwing hapon dito sa bahay, bukod kasi sa punong abala ako dito sa USAPANG PERAT PPOG, bantay bata din ako. Actually, ako ang nag-aalaga ng anak ko pagka-galing nya sa skwela. Pre-school pa siya ngayon kaya apat na oras lang na wala siya dito sa bahay. Ngayong araw wala silang pasok kaya buong araw ko ding binabantayan. Hindi kasi siya natutulog kong hindi ko sasamahan sa kwarto, kaya ako din kailangang matulog pagkatapos naming mananghalian. Mula kasi noong huminto ako mag-abroad, I promised na ako ang mag-aalaga sa kanya, para mapunan ko yong tatlong taon na hindi kami magkasama. Siya din ang dahilan kung bakit nagresign ako sa trabaho ko abroad dahil, everytime na umuwi ako ayaw nya akong paalisin. Yearly naman akong umuwi pero hindi sapat sa kanya ang 30 days naming pagsasama.

Anyway, hindi ito tungkol sa kanya. Nagising lang ako sa aking mahimbing na tulog dahil may tumawag. Nagulat ako sa lakas ng tunog ng aking cellphone, pati anak ko nagulat din pero bumalik din ang anak ko sa pagtulog. Nagpakilala ang nasa kabila na isang babae, na siya ay isang agent ng Pera Agad. Mabait at mahinahong nakikipag-usap. Hindi ko sinabi sa kanya kung ano ang concern ko pero alam na niya kung bakit ako nagtxt ng CALL sa 2423. Ito ay regarding sa reloan problem na naranasan ko sa system nila.

Sinabi nya sa akin kung bakit na reject ako sa aking reloan, ito'y dahil may isang beses na delayed yong payment ko for around 24 hours. Na-recall ko pala, nag-out of town kami dahil mayron din akong ibang business transaction maliban sa Smart Padala, Truemoney at kung anu-ano pa kaya hindi maiiwasang malayo ako sa bahay. 

Dahil doon yon ang rason kung bakit rejected yong reloan. Nakalimutan ko pala na magkaiba si Pera Agad kay ni Tala Philippines na nagbibigay ng 7 days grace period sa mga hindi nakakabayad. Ngayon ko nalalaman na masyadong sensitibo ang system ni Pera Agad. Walang silang binigay na consideration sa mga client nila. Hindi lang pala sila nasisira sa mga bastos nilang mga agent, pati din pala sa systema nila, hindi rin maayos.

By the way, kung dati halos araw-araw may nagbabayad sa amin ng Pera Agad loan, ngayon ni isa wala na. Asan na kaya sila? Baka natulad din sila sa akin, natsugi dahil sa pangit na systema ni Pera Agad at walang consideration.


Nandon na tayo sa systema nilang hindi maganda, mga agent na unprofessional at kulang sa training, TXT format na nakakalito -sigurado akong maraming hindi nakakaintindi sa kanila. Hindi rin nila kino-consider yong kung nagbabayad ka ng loan mo weekly ay palaging may sobra. Ginawa ko yon sa loan ko kay Pera Agad, sa mga previous payment ko palaging may sobra, magagawa ko yon dahil isa akong authorized Smart Padala center kaya kontrolado ko ang pondo.

 Hindi pala doon nakukuha ang loob ni Pera Agad. Isang beses ka lang na delayed ng halos 24 hours malaking kasalanan na iyon sa kanila. Reagardless sa mga nagawa mong tama, they won't value it from their records. Sure ako maraming nawawalang client nila at lumipat na sa iba. Ang iba naman, ayon bumili na ng new simcard para hindi na nila ma-storbo pa.

Pag-usapan natin yong format nila sa pag-reloan. Yong paaasahin ka, buong akala ko uso lang sa magsyota ang palaging magpaasa pero pati si Pera Agad, PAASA din pala. Paano ko nasabing paasa? Dahil sa hindi magandang format nila.

Pagkatapos mong i-send yong reloan format, magre-reply ang system ng LOAN RELEASING OPTION. Anong silbi sa option na ito kung later-on mari-reject kalang din pala. Dapat sa first format na pinadala mo sa system nila, sa reply nito malalaman mo na rejected kana. Hindi yong paaasahin kapa tapos yong Loan Releasing Option pa wala doon ang swak sayo. 

Pinapapili ka raw pero isa lang naman pagpipilian mo. KATANGAHAN LANG BA SA SYSTEMA NILA? May pa option-option pang nalalaman. Kung talagang nag-iisip ang IT nila, paano magiging OPTION kung iisa lang ang pagpipilian mo. Nakakatawa talaga itong Pera Agad. Sa option nyo bakit tinanggal nyo si Smart Padala eh sila lang naman ang nagpapakilala sa inyo nong baguhan pa kayo. Maayos paba ang relasyon nyo with SMART? 

USAPANG PERA GIVE YOU A NEGATIVE RATINGS! HINDI ITO MAGBABAGO HANGGANG HINDI NYO MAAYOS ANG SYSTEMA NYO. Sinabi sa text from your system na makakapag re-apply kami after 3 months tapos ang sinabi naman ng agent nyo kanina pwede na akong mag-apply uli after 30 days. Ano yon? Palubag loob? Pera Agad umayos naman kayo para mangangamoy pa kayo sa mga Filipino.

Anyway, recorded naman yong pag-uusapin namin kaya inaasahan kung makakarating talaga sa management yong reklamo ko at ng mga naka try na din sa Pera Agad. Noong isang linggo mayron tayong followers na nagtatanong kapareho sa concern ko, wala akong maibigay na detalye dahil hindi ko pa naranasan. Ngayon, alam na alam ko na kaya ko ito pinapabasa sa buong mundo. Kayo na bahala kung gusto nyong makakaranas ng mga hindi maganda sa Pera Agad. Kung subaybayan nyo ang mga post ko tungkol sa kanila since Day 1, marami sa  inyo na na mag-attempt mangutang sa kanila. 

1 comment:

  1. sir hindi yan totoo ako 8 payment nagadvance sa kanila di ako nagkapagrenew sa kanila di totoo yun 24 hours delayed ka ng dahilan siguro tumigil na sila

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.