Back to normal na nga ba ang Pondo Peso? O marami pa ding abnormalities na nararanasan nga mga client nila. Isa na dito ang disbursement problem. Nong nakaraan, bigla nalang nawala ang OFFLINE disbursement. Umiiyak ang karamihan dahil marami ang umaasa at dependent sa mga padala centers tulad ng Palawan, Cebuana Lhuillier at M.Lhuillier. Ilang araw din ang inaantay ng lahat bago ito bumalik.
Pagkatapos noon, inulan ng reklamo ang Pondo Peso mula sa mga old and new client nila. Kung saan-saan makakabasa ka ng mga reklamo mula sa galit at atat na mga client. Yong iba kasi, binayaran ng maaga ang kanilang loan para makakapag reloan pero nauli sa wala. Kaliwa't kanan ang reklamo at mukhang wala ng patutunguhan dahil hindi pa rin na solusyunan ang problema. Kaya, ang ginawa ng Pondo Peso, DISABLED lahat ng method of disbursement.
Tuloy pa rin ang reklamo pero wala na silang magagawa. Walang makakausap na taga Pondo Peso para magpaliwanag kung anong nangyayari. Walang sumasagot sa facebook page at pati sa email. Walang pakundangan pa rin ang karamihan sa pambabato ng reklamo laban sa kanila. Kahit saan ganun pa rin ang hinaing, approved ang loan pero hindi nakukuha. Walang reference number dahil TRANSFERRING parin ang nakalagay sa app.
Kaya napilitan na mag-antay ang lahat. Kami din dito sa USAPANG PERA, hindi natahimik dahil panay tanong ng mga clients nila at humihingi ng updates. Wala kaming ibang magawa kundi pakalmahin ang lahat, umuasang babalik sila at hindi aalis ng walang paalam. Nagpapasalamat din kami dahil kumalma naman ang karamihan at laging nag-aantay ng bagong updates.
Ngayong araw, finally nakakatanggap na rin kami ng magagandang balita na bumalik na sa normal ang Pondo Peso. May mga nakakakuha na rin ng kanilang loan sa mga padala centers especially M.Lhuillier. Salamat sa mga nagbigay impormasyon sa amin na bumalik na sa normal ang Pondo Peso, hindi nalang namin isa-isahin ang mga pangalan nyo dahil marami kayo.
Kahit minsan ang kulit nyo sa amin pero nagpapasalamat pa din kami dahil sa nabuo nating magandang relasyon lalo na sa paghahanap nyo ng finacial assistance at dahil dyan napunta kayo dito sa USAPANG PERA at pati na rin sa PPOG.
Kung akala ng lahat 100% normal ang pagbabalik ng Pondo Peso, para sa kaalaman ng lahat, ang sagot ay HINDI. Dahil ngayon hindi na lahat nakakakuha ng kanilang loan disbursement. Marami ang nakakatanggap ng screen message na LOAN APPLICATION FAILED. At ang kasunod na explaination ay ganito "SORRY. TRANSACTION FAILED DUE TO TOO MANY APPLICANTS AS OF THE MOMENT. PLEASE TRY AGAIN LATER. IF OFFLINE DISBURSEMENT FAILS TOO MANY TIMES, YOU CAN TRY THE ONLINE DISBURSEMENT OR RETRY THE NEXT DAY."
Ang akala natin sa Globe at TM lang mayrong capping sa pag-register ng mga UNLI PROMOS, ngayon mayron na din pala sa Lending companies. Hindi na lahat pinagbibigyan dahil sa daming nag-apply sa kanila. May limit na rin sila sa number of persons everyday na mabigyan ng kanilang loan disbursement. Isa lang ang dahilan nito, malamang not enough ang funds or kino-control nila ang releasing para hindi lulubo ang laki ng halaga na maibigay nila sa mga tao at baka tatakbuhan sila nito.
Para sa mga apektado sa pagbabagong ito, patience lang ang kailangan, makaka-LOAN din kayo. Sabi ng karamihan napakalaki ng interest ng Pondo Peso at bukod pa rito ay napakaiksi ng kanilang terms for loan repayment pero sige pa rin ng sige ang karamihan na magLoan at mag-reloan.
Hindi sila natatakot sa malaking interest, importante makakautang sila at masolusyonan ang kanilang problema sa financial pansamantala. Kaya, abang-abang lang muna ang hindi pa nakakuha ng kanilang TURNO para sa kanilang loan disbursement.
At least bumalik na si Pondo Peso at alam natin marami ang maututulongan na mga taong nangangailangan. Antayin lang talaga natin ang pagkakataon na ibigay ang gusto natin.
Sa,mga hatinggabi sila,mag apply tiyak n nkpgloan sila
ReplyDeleteHahhaa...antayin mag reset ang oras sa 12 midnight...parang nong kalakasan ng unli lang ni TM gumigising ako hating gabi para mag register.
DeleteOk ba yun pag hating gabi?
DeleteNot sure kung totoo...try nyo po..
DeleteIn 3 times loan 4,300 lagi laki din ng bawas.in my 4th time yesterday naging 2,9... nlng bali 1,3.. na interest pero nagfailed
ReplyDeleteAdd pa daw info.lazada shoppe at google play ok na lhat ganun padin d ka maka borrow
Wala pa rin kahit hatinggabi pa mag apply
ReplyDeleteBakit po ganun sabi cash out ready na yun load ko pero pag punta ko dun wala pa din
ReplyDeleteParehas po tayo cash out ready pero di makita sa computer ng MLhulier.saklap pomaraming umaasa
DeleteAko din 3x na ngpunta ng MLhulier per wala parin nakukuhang loan khit may CASHOUT READY NA
DeleteBakit kaya ganon? Pano malalaman kung pwede na kunin? Cash out ready na din akin.
DeleteNagtatry ako as 2nd timer.
ReplyDeleteBut suddenly it requires a transaction password.
Wala naman akong na-create na transaction password upon application before.
I tried the option "reset transaction password"
But neither my bir and sss id # was accepted.
SAN KUKUNIN YUNG TRANSACTION PASSWORD NA YUN?!! haha!! Labo.
1st time ko. And hiningan nako ng transaction password din. Para saan ba yun? Gumawa nalang ako ng sarili kong password tuloy hahaha. t
DeleteTriny ko po kaninang umaga at naapprove naman po. Then pwede narin pong madisburse yung pera sa coins.ph
ReplyDeletePano po icancel yung loan eh hindi ko naman naencash!!
ReplyDeletePano po icancel yung loan eh hindi ko naman naencash!!
ReplyDeletePLEASE BE AWARE THAT THIS PONDO PESO HAS ACCESS TO YOUR PHONE CONTACTS. THEY WILL HARRASS AND EMBARASS YOU TO OTHER PEOPLE YOU HAVE IN YOUR CONTACTS. I AM SAYING THIS BECAUSE IT JUST HAPPENED TO ME THAT EVEN MY CLIENT HAD TO TALK TO ME IN PRIVATE BECAUSE PONDO SENT HER A MESSAGE REGARDING 3800 LOAN.
ReplyDeletethis pondo peso invades privacy they get access to your phone contacts and sends these people humiliate and embarrass u for the loan u made
ReplyDeletewhy do u have to approve my comment when i am just sharing the experience that i had from pondo peso???
ReplyDeleteSana maipasara na'tong pondo peso na'to para Ella ng mabiktima pa!
ReplyDeleteHnd ko alam bkt ayaw gumanaa kc kukuha ulit ako kaso nakalimutan ko transaction password ko eh
ReplyDeleteNasira ang sim ko pero nabayaran kona ang loan ko, ngaung mag apply ako ng bago hinahanapan ako ng transaction password? Saan koba kukunin un eh sira nanga ang ang sim, 3weeks ago advice ng CS nila mag change number daw ako, sinunod ko lahat ng instruction ganun parin hahanapan kapa rin ng transaction password at kapag nereset mosya doon parin nila isend sa old number mo ang transaction password, eh paano makuha un kaya kanga mag change number dahil wala na ang luma di ba??? Tatlong linggo na ako nag eemail sa online CS nila pero walang response! anong klaseng CS ito??? Kamahal2x ng charge nyo samga previous loan ko pero di nman pala kayo makakatulong?! sarap nyo murahin mga CS ng pondo peso!
ReplyDelete